Dapat Mong Panoorin ang Video na No Blood—Medicine Meets the Challenge
Gaano karami ang iyong nalalaman tungkol sa mga mapagpipilian sa larangan ng paggamot nang walang dugo? Nauunawaan mo ba kung ano ang ilan sa mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo at kung gaano kabisa ang mga ito? Panoorin ang video na ito, at subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanong.—Pansinin: Dahil ang video ay may kalakip na maiikling eksena sa pag-oopera, dapat maging maingat ang mga magulang sa panonood ng video na ito kasama ang maliliit na anak.
(1) Ano ang pangunahing dahilan kung bakit tumatanggi ang mga Saksi ni Jehova sa pagsasalin ng dugo, at saan sa Bibliya masusumpungan ang simulaing iyan? (2) Pagdating sa pagpapagamot, ano ang hinahangad natin? (3) Ano ang saligang karapatan ng mga pasyente? (4) Bakit isang makatuwiran at matalinong pasiya na tumanggi sa pagsasalin ng dugo? (5) Kapag maraming dugo ang naubos, ano ang dalawang priyoridad ng mga doktor? (6) Anong mga panganib sa kalusugan ang nasasangkot sa pagsasalin ng dugo? (7) Ano ang ilan sa mga kasangkapang magagamit ng mga siruhano upang malimitahan ang pagkaubos ng dugo sa panahon ng operasyon? (8) Ano ang nanaisin mong ipaalam sa iyo hinggil sa anumang alternatibo sa pagsasalin? (9) Maaari bang magsagawa ng maselan at komplikadong mga operasyon nang walang pagsasalin ng dugo? (10) Ano ang handang gawin ng lumalaking bilang ng mga doktor para sa mga Saksi ni Jehova, at ano sa dakong huli ang maaaring maging pamantayan sa pag-aalaga ng lahat ng pasyente?
Walang alinlangan na makatutulong ang panonood ng video na No Blood kasama ng sinumang estudyante sa Bibliya, di-Saksing asawa o kamag-anak, katrabaho, guro, at kaeskuwela na maaaring magtanong hinggil sa ating paninindigan sa dugo. Ang pagtanggap sa anumang paggamot na iniharap sa video na ito ay pasiya at salig sa budhi ng bawat indibiduwal.—Tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa Hunyo 15 at Oktubre 15, 2000, isyu ng Ang Bantayan.