Ang Pinakamataas na Kalidad ng Paggamot—Ano Iyon?
“Ang sinumang pasyente na tumanggap ng paggamot nang walang dugo ay, sa diwa, nakatanggap ng pinakamataas na kalidad ng operasyon na maaaring isagawa.” Iyan ang sinabi ni Dr. Michael Rose, medikal na direktor at isang anesthesiologist. Anu-anong pamamaraan at alternatibo sa pagsasalin ang maaaring ibilang sa “paggamot nang walang dugo”? Kailangan mo itong malaman upang makagawa ka ng may-kabatirang pasiya may kinalaman sa paggamot at pag-opera. Panoorin mo ang video na No Blood—Medicine Meets the Challenge. Pagkatapos, subukin ang iyong pagkaunawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanong.—Pansinin: May maiikling eksena ng pag-oopera sa video, kaya dapat pag-isipan ng mga magulang kung isasama nila ang kanilang mga anak sa panonood ng video na ito.
(1) Ano ang pangunahing dahilan sa pagtanggi ng mga Saksi ni Jehova na magpasalin ng dugo? (2) May kinalaman sa paggamot, ano ang nais ng mga Saksi ni Jehova? (3) Ano ang saligang karapatan ng mga pasyente? (4) Bakit makatuwiran at pagiging responsable ang pumili ng mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo? (5) Kapag maraming dugo ang nawala, ano ang dalawang apurahang priyoridad ng mga doktor? (6) Ano ang apat na simulain sa alternatibong paggamot na walang pagsasalin ng dugo? (7) Ano ang magagawa ng mga doktor para (a) mabawasan ang pagdurugo, (b) hindi maubos ang pulang selula ng dugo, (c) mapabilis ang produksiyon ng dugo, at (d) mabawi ang nawalang dugo? (8) Ilarawan ang pamamaraang tinatawag na (a) hemodilution at (b) cell salvage. (9) Ano ang nais mong ipabatid sa iyo tungkol sa anumang alternatibo sa pagsasalin ng dugo? (10) Maaari bang isagawa ang seryoso at komplikadong mga operasyon nang hindi nagsasalin ng dugo? (11) Anong positibong pagsulong ang nagaganap sa larangan ng medisina?
Ang pagtanggap sa ilang paggamot na iniharap sa video ay isang personal na pasiyang salig sa budhing sinanay sa Bibliya. Nakapagpasiya ka na ba kung aling alternatibo sa pagsasalin ng dugo ang tatanggapin mo para sa iyong sarili at sa iyong mga anak? Dapat ding ipabatid sa mga kapamilyang di-Saksi ang tungkol sa iyong pasiya at ang mga dahilan nito.—Tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa mga isyu ng Hunyo 15, 2004, at Oktubre 15, 2000, ng Ang Bantayan.