Makinabang sa Video na No Blood—Medicine Meets the Challenge
Gaano kalawak ang nalalaman mo hinggil sa mga mapagpipilian sa larangan ng paggamot nang walang dugo? Nauunawaan mo ba kung ano ang ilang alternatibo sa pagsasalin ng dugo at kung paano ito isinasagawa? Panoorin mo ang video, at subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanong.—Pansinin: Dahil may maiikling eksena sa pag-oopera ang video, dapat pag-isipan ng mga magulang kung maaari itong panoorin ng kanilang mga anak.
(1) Ano ang pangunahing dahilan kung bakit tumatanggi ang mga Saksi ni Jehova sa pagsasalin ng dugo, at saan masusumpungan sa Bibliya ang simulaing iyan? (2) Pagdating sa pangangalagang medikal, ano ang hinahangad natin? (3) Ano ang saligang karapatan ng isang pasyente? (4) Bakit makatuwiran at matalinong tumanggi sa pagsasalin ng dugo? (5) Kapag maraming dugo ang naubos, ano ang dalawang apurahang priyoridad ng mga doktor? (6) Anu-anong panganib sa kalusugan ang nasasangkot sa pagsasalin ng dugo? (7) Anu-ano ang ilan sa mga kasangkapang magagamit ng mga siruhano upang malimitahan ang pagkaubos ng dugo sa panahon ng operasyon? (8) Ano ang dapat mong alamin hinggil sa anumang iniaalok na alternatibo sa pagsasalin? (9) Maaari bang magsagawa ng maselan at komplikadong mga operasyon nang walang pagsasalin ng dugo? (10) Ano ang handang gawin ng dumaraming mga doktor para sa mga Saksi ni Jehova, at ano sa dakong huli ang maaaring maging pamantayan sa pag-aalaga ng lahat ng pasyente?
Ang pagtanggap sa anumang paggamot na iniharap sa video ay isang personal at nakasalig sa budhing kapasiyahan.—Tingnan ang Bantayan ng Hunyo 15, 2004, p. 22-4, 29-31, at ang Bantayan ng Oktubre 15, 2000, p. 30-1.