Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 15
“Sa palagay mo ba’y praktikal ang mga turo ni Jesus para sa ating panahon? [Hayaang sumagot.] Walang-alinlangang sasang-ayon ka sa utos na ito na ibinigay ni Jesus noong huling araw ng kaniyang buhay sa lupa. [Basahin ang Juan 15:12.] Nagturo rin si Jesus ng maraming iba pang aral noong araw na iyon. Ipinakikita ng isyung ito ng Ang Bantayan kung paano tayo makikinabang sa mga ito.”
Gumising! Mar. 22
“Napapansin mo ba na maraming tao sa ngayon ang nahihirapang makakuha ng sapat na tulog? [Hayaang sumagot.] Maaaring ito ay dahil sa kabalisahan o pag-aalala. [Basahin ang Eclesiastes 5:12.] Sinusuri ng magasing ito ang ilan sa mga sanhi ng insomniya, at nagbibigay ito ng praktikal na mga mungkahi kung paano natin mapabubuti ang ating mga kaugalian sa pagtulog.”
Ang Bantayan Abr. 1
“Makikita rito ang hapunan na karaniwan nang tinatawag na Huling Hapunan. [Ipakita ang harap at likod ng magasin.] Alam mo bang ito lamang ang tanging okasyon na iniutos sa mga Kristiyano na alalahanin? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Lucas 22:19.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit ang pagdiriwang na ito ay napakahalaga at kung paano ito nakaaapekto sa iyo.”
Gumising! Abr. 8
“Hindi ba’t nakalulungkot na maraming buhay ng mga kabataan ang nasira dahil sa droga? [Hayaang sumagot.] Kadalasang nagsisimula ang problema kapag nakisama ang mga kabataan sa maling uri ng mga kasamahan. [Basahin ang 1 Corinto 15:33.] Sinusuri ng isyung ito ng Gumising! kung ano ang nakaiimpluwensiya sa mga kabataan na magsimulang gumamit ng droga at kung ano ang magagawa ng mga magulang upang ipagsanggalang sila.”