Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 15
“Madalas banggitin ng mga tao ang pagdating ni Jesu-Kristo. Sa palagay ninyo, dapat bang panabikan o katakutan ang pangyayaring ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ninyo ang sinabi ng manunulat ng Bibliya na si Juan tungkol dito. [Basahin ang Apocalipsis 22:20.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung ano ang mangyayari pagdating ni Kristo.”
Gumising! Mar.
“Maraming pinuno sa daigdig ang waring lubhang mapagmataas. Sa palagay ninyo, nakatutulong ba ang katangiang ito para magkaisa at maging payapa ang daigdig? [Hayaang sumagot.] Ganito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagmamataas. [Basahin ang Kawikaan 16:18.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito ang pakinabang ng pagiging mapagpakumbaba.” Itampok ang artikulo sa pahina 20.
Ang Bantayan Abr. 1
“Halos araw-araw, may mga tanong tayo tungkol sa ating kalusugan, pamilya, at trabaho. Saan kaya tayo makakakuha ng maaasahan at praktikal na mga sagot? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya sa 2 Timoteo 3:16. [Basahin.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano makatutulong sa atin ang Bibliya sa maraming praktikal na paraan.”
Gumising! Abr.
“Sa maraming lugar sa daigdig, napapansin ng marami na bumababa na ang moralidad ng mga tao. Napansin ninyo rin ba ito? [Hayaang sumagot.] Ang mga kalagayan ngayon ay katuparan ng hula sa Bibliya. [Basahin ang 2 Timoteo 3:2-4.] Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang kahulugan ng pagbaba ng moralidad at kung saan ito hahantong.”