Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 1
“Nababalitaan natin sa araw-araw ang hinggil sa pagdurusa, sakit, at kamatayan. Sa palagay mo, may makapagliligtas kaya sa atin mula sa lahat ng ito? [Hayaang sumagot.] Ang talatang ito sa Bibliya ay nagbigay ng pag-asa sa milyun-milyon. [Basahin ang Juan 3:16.] Ang paksa ng magasing ito ay ‘Kung Paano Ka Maililigtas ng Kamatayan ni Jesus.’”
Gumising! Mar.
“Sa palagay mo, wala kayang masamang epekto ang mga pamahiin, o mapanganib ito? [Hayaang sumagot.] Kapansin-pansin ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito. [Basahin ang Isaias 65:11.] Tinatalakay ng artikulong ito kung ang pamahiin ay kaayon nga ba ng turo ng Bibliya.” Itampok ang artikulo na nasa pahina 10.
Ang Bantayan Abr. 1
“Gusto mo bang makita ang katuparan ng hulang ito? [Basahin ang Isaias 2:4, saka hayaang sumagot.] Pansinin na kikilos ang Diyos para ‘ituwid ang mga bagay-bagay’ may kinalaman sa mga gawain ng tao. Ipinakikita ng Bibliya na makikipaglaban ang Diyos sa digmaan na tinatawag na Armagedon na siyang tatapos sa lahat ng digmaan. Ipinaliliwanag ng magasing ito kung ano ang Armagedon at kung bakit dapat natin itong asamin.”
Gumising! Abr.
“Sa palagay mo, nabubuhay na kaya tayo sa panahong inilalarawan dito? [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-4, saka hayaang sumagot.] Dapat tayong maging lubhang interesado sa mga huling araw dahil ang mga ito ay hudyat ng mabubuting bagay na mangyayari sa lupa. Ipinaliliwanag iyan ng magasing ito.”