Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 15
“Parang nagiging karaniwan na lamang sa ngayon ang kalupitan. [Magbigay ng isang pangyayari sa inyong lugar o isang halimbawa mula sa magasin.] Napag-isip-isip na ba ninyo kung bakit ganiyan na lamang kalupit ang mga tao? [Hayaang sumagot.] Inihula ng Bibliya ang paglago ng kalupitan. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.] Sinasagot ng magasing ito ang tanong na, ‘Magwawakas pa kaya ang kalupitan?’”
Gumising! Abr.
“Maraming tao ang nagsasabing Kristiyano sila. Para sa inyo, ano po ba ang kahulugan ng pagiging Kristiyano? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinabi rito ni Jesus. [Basahin ang Juan 15:14.] Ipinakikita ng artikulong ito na hindi sapat ang basta pagsasabi lamang na Kristiyano ang isa.” Itampok ang artikulo na nasa pahina 26.
Ang Bantayan Mayo 1
“Napakasakit para sa mga magulang na mamatayan ng isang anak at hindi basta-basta nawawala ang kirot na dulot nito. Sa palagay ninyo, saan kaya sila makasusumpong ng kaaliwan? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Roma 15:5.] Tinatalakay ng magasing ito ang ilang paraan kung paano nagbibigay ng kaaliwan ang Diyos sa mga nagdadalamhati.”
Gumising! Mayo
“Mariwasa ang buhay ng ilang tao, samantalang milyun-milyon naman ang naghihikahos. Sa palagay ninyo, darating pa kaya ang panahon na magkakapantay-pantay na ang kalagayan sa buhay ng lahat ng tao? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang tingin ng Diyos sa mga maralita. [Basahin ang Awit 22:24.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang pag-asang sinasabi ng Bibliya para sa mga maralita.”