Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 15
“Sang-ayon ka ba na napakaraming impormasyon ang makukuha sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Gayunman, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa inilalarawan sa tekstong ito. [Basahin ang Juan 17:3.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang kahulugan ng salitang ‘buhay na walang hanggan’ at kung paano natin matatamo ang kaalaman na umaakay sa pag-asang ito.”
Gumising! Abr. 22
“Bagaman mas kilalá si Jesu-Kristo kaysa sa sinumang tao na nabuhay kailanman, maraming tao ang nag-iisip kung sino siya talaga. Alam mo ba na pinag-isipan din ito maging ng mga apostol ni Jesus? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Marcos 4:41.] Sinusuri ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa tunay na pagkakakilanlan ni Jesus.”
Ang Bantayan Mayo 1
“Kapag namatayan tayo ng isang minamahal, likas lamang na naisin nating makitang muli ang taong iyon. Sang-ayon ka ba? [Hayaang sumagot.] Marami ang nakasusumpong ng kaaliwan sa pangako ng Bibliya na pagkabuhay-muli. [Basahin ang Juan 5:28, 29.] Tinatalakay sa magasing ito kung kailan magaganap ang pagkabuhay-muli at kung sino ang talagang makikinabang dito.”
Gumising! Mayo 8
“Maraming magulang ang mapamili pagdating sa pinanonood ng kanilang mga anak. Nahihirapan ka bang humanap ng angkop na mga pelikula para sa iyong pamilya? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Efeso 4:17.] Tinatalakay sa magasing ito kung paano matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na pumili ng kapaki-pakinabang na libangan.”