Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/03 p. 8
  • Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Salita ng Diyos ay . . . May Lakas”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • “Ang Salita ng Diyos . . . ay May Lakas”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Ipinagtatanggol Mo Ba ang Salita ng Diyos?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • ‘Patuloy na Lumakad sa Katotohanan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 5/03 p. 8

Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan

1. Anong mahalagang impormasyon ang nilalaman ng Bibliya?

1 “Ang diwa ng iyong salita ay katotohanan,” ang isinulat ng salmista. (Awit 119:160) Sa pamamagitan ng kaniyang kinasihang Salita, nagbibigay si Jehova ng kasiya-siyang mga sagot sa pinakamahahalagang katanungan sa buhay. Nagbibigay siya ng kaaliwan at pag-asa sa mga may problema. At ipinakikita niya sa atin kung paano tayo mapapalapít sa kaniya. “Ang pag-aaral ng katotohanan mula sa Bibliya ay gaya ng paglabas sa isang napakadilim at nakapanlulumong lugar at pagpasok sa isang maaliwalas, maliwanag, at kasiya-siyang silid,” ang sabi ng isang mapagpahalagang babae. Sinisikap mo bang ibahagi ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos sa bawat pagkakataon?

2. Paano pinabubuti ng Bibliya ang buhay ng mga tao?

2 May Kapangyarihang Bumago at Kaakit-akit sa Lahat: Ang katotohanan sa Bibliya ay may kapangyarihang umantig sa puso at bumago sa buhay. (Heb. 4:12) Isang kabataang babae na nagngangalang Rosa ang nasangkot sa prostitusyon, gayundin sa pag-abuso sa alkohol at droga. “Isang araw, nang ako ay lumung-lumo,” ang sabi niya, “isang mag-asawang Saksi ang nakipag-usap sa akin hinggil sa kung paano tayo matutulungan ng Bibliya na lutasin ang ating mga problema. Sinimulan kong pag-aralan ang Salita ng Diyos, na nasumpungan kong kawili-wili. Sa loob ng isang buwan ay may lakas na ako para maging malinis sa moral at magbagong buhay. Ngayong may layunin na ang aking buhay, hindi ko na kailangan ang tulong ng alkohol o droga. At yamang gustung-gusto kong maging kaibigan si Jehova, determinado akong mamuhay ayon sa kaniyang mga pamantayan. Kung hindi dahil sa praktikal na karunungan ng Salita ng Diyos, tiyak na nagpatiwakal na ako ngayon.”​—Awit 119:92.

3. Bakit hindi tayo dapat mag-atubili sa pagbabahagi ng mensahe ng Bibliya sa iba?

3 Di-tulad ng karamihan sa mga aklat sa ngayon, ang Bibliya ay kaakit-akit sa mga tao ‘sa lahat ng bansa, tribo, bayan, at wika.’ (Apoc. 7:9) Kalooban ng Diyos “na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Tim. 2:4) Kaya naman, hindi natin dapat ipalagay na ang isang tao ay hindi tatanggap ng mabuting balita dahil lamang sa kaniyang pinagmulan. Sa halip, ibahagi natin ang mensahe ng Kaharian sa lahat, na ginagamit nang tuwiran ang Bibliya kailanma’t posible.

4. Paano natin magagamit ang Bibliya kapag nagpapatotoo?

4 Itampok ang Kasulatan: Maraming pagkakataon para gamitin ang Bibliya sa ministeryo. Kapag inihaharap ang mga magasin, sikaping ilakip ang kasulatan na makikita sa iminungkahing presentasyon. Kapag ginagamit ang buwanang alok na literatura, nasumpungan ng ilan na mabisang ilakip ang pagbasa ng isang maingat na piniling kasulatan sa kanilang pambungad na pananalita. Kapag dumadalaw-muli, ibahagi ang isa o higit pang teksto sa Bibliya sa bawat pagkakataon upang tulungan ang may-bahay na unti-unting matamo ang tumpak na kaalaman. Kapag nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya, isentro ang pagtalakay sa susing mga kasulatan. Kapag hindi nakikibahagi sa pormal na ministeryo, magdala ng Bibliya para may magamit kapag bumangon ang mga pagkakataong magpatotoo nang di-pormal.​—2 Tim. 2:15.

5. Bakit tayo dapat magsikap na gamitin ang Bibliya sa ating ministeryo?

5 Nawa’y tulungan natin ang iba na makinabang mula sa gumaganyak na kapangyarihan ng katotohanan sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng Bibliya sa bawat angkop na pagkakataon sa ating ministeryo.​—1 Tes. 2:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share