Mga Paglalaan Upang Tulungan Tayong Umiwas sa Dugo
Ang bautisadong mga mamamahayag na mayroon nang Advance Medical Directive/Release card o Identity Card noong 2003 ay hindi na kailangang gumawa ng bagong kard para sa taóng ito. Para sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Disyembre 29, ang kalihim ay dapat na may sapat na bilang ng mga kard para sa bagong bautisadong mga mamamahayag, sa kanilang mga anak, at sa mga nangangailangan ng pamalit. Ang mga kongregasyon ay hindi kusang padadalhan ng mga bagay na ito. Kung ang kongregasyon ay walang sapat na kard, maaaring makipag-alam ang kalihim sa kalapit na mga kongregasyon o pumidido ng karagdagang mga kard sa susunod na kahilingan ng kongregasyon sa literatura.
Ang mga kard ay dapat na maingat na punan sa bahay ngunit HINDI lalagdaan. Ang mga kard ay dapat lagdaan, saksihan, at lagyan ng petsa sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa tulong ng tagapangasiwa sa pag-aaral sa aklat kung kinakailangan. Dapat aktuwal na makita ng mga saksi ang paglagda ng may-ari ng kard sa dokumento.
Ang di-bautisadong mga mamamahayag ay maaaring gumawa ng mga direktiba para sa kanilang sarili at sa mga anak nila sa pamamagitan ng pagsulat ng mga pananalitang kasuwato ng nasa Advance Medical Directive/Release card at Identity Card.