Mga Paalaala sa Memoryal
Ang pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito ay papatak sa Linggo, Abril 4. Dapat bigyang-pansin ng matatanda ang sumusunod na mga bagay:
◼ Sa pagtatakda ng oras ng pagtitipon, tiyaking hindi ipapasa ang mga emblema hangga’t hindi pa nakalubog ang araw.
◼ Dapat ipagbigay-alam sa lahat, pati na sa tagapagsalita, ang eksaktong oras at lugar ng pagdiriwang.
◼ Dapat kumuha at maghanda ng angkop na uri ng tinapay at alak.—Tingnan ang Pebrero 15, 2003, Bantayan, pahina 14-15.
◼ Ang mga plato, baso, at angkop na mesa at mantel ay dapat na patiunang dalhin at ayusin sa bulwagan.
◼ Ang Kingdom Hall o iba pang dakong pagtitipunan ay dapat na patiunang linising mabuti.
◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat na patiunang piliin at tagubilinan hinggil sa kanilang mga tungkulin, sa wastong pamamaraan na dapat sundin, at sa pangangailangang manamit at mag-ayos nang marangal.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan na maisilbi ang mga emblema sa sinumang pinahiran na may sakit at hindi makadadalo.
◼ Kung mahigit sa isang kongregasyon ang nakaiskedyul na gagamit sa iisang Kingdom Hall, dapat magkaroon ng mahusay na koordinasyon ang mga kongregasyon upang maiwasan ang di-kinakailangang pagsisikip sa lobby o sa pasukan, sa pampublikong mga bangketa, at sa paradahan.