Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/06 p. 3
  • Mga Paalaala sa Memoryal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Paalaala sa Memoryal
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 3/06 p. 3

Mga Paalaala sa Memoryal

Ang pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito ay papatak sa Miyerkules, Abril 12. Dapat bigyang-pansin ng matatanda ang sumusunod na mga bagay.

◼ Sa pagtatakda ng oras ng pagtitipon, tiyaking nakalubog na ang araw bago ipasa ang mga emblema.

◼ Dapat ipagbigay-alam sa lahat, pati na sa tagapagsalita, ang eksaktong oras at lugar ng pagdiriwang.

◼ Dapat kumuha at maghanda ng angkop na uri ng tinapay at alak.—⁠Tingnan ang Bantayan ng Pebrero 15, 2003, p. 14-15.

◼ Ang mga plato, baso, at angkop na mesa at mantel ay dapat na patiunang dalhin at ayusin sa bulwagan.

◼ Ang Kingdom Hall o iba pang dakong pagtitipunan ay dapat na patiunang linising mabuti.

◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat na patiunang piliin at tagubilinan hinggil sa kanilang mga tungkulin, sa wastong pamamaraan na dapat sundin, at sa pangangailangang manamit at mag-ayos nang marangal.

◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan na maisilbi ang mga emblema sa sinumang pinahiran na may sakit at hindi makadadalo.

◼ Kung mahigit sa isang kongregasyon ang nakaiskedyul na gagamit sa iisang Kingdom Hall, dapat magkaroon ng mahusay na koordinasyon ang mga kongregasyon upang maiwasan ang di-kinakailangang pagsisikip sa lobby o sa pasukan, sa pampublikong mga bangketa, at sa paradahan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share