Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 15
“Ang ilan ay nag-aakalang lahat ng nangyayari sa buhay, pati na ang mga trahedya, ay kalooban ng Diyos. Napag-isipan na ba ninyo ang tungkol doon? [Hayaang sumagot.] Marami ang nakaaalam sa panalanging ito. [Basahin ang Mateo 6:10b.] Ano ba ang kalooban ng Diyos para sa lupa, at kailan ito lubusang maisasakatuparan? Inilalaan ng magasing ito ang sagot ng Bibliya.”
Gumising! Abr. 22
“Sa daigdig sa ngayon, ang ilang tao ay nakadarama ng kawalang-pag-asa. Gayundin ba ang nadarama ninyo kung minsan? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Roma 15:4.] Kinikilala ng karamihan ng tao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa. Masisiyahan kayo na isaalang-alang ang pitong maka-Kasulatang dahilan para magkaroon ng pag-asa, na inihaharap sa isyung ito ng Gumising!”
Ang Bantayan Mayo 1
“Sa pagsisikap na mapabuti ang lipunan ng tao, ang ilang relihiyosong lider ay napasangkot sa pulitika. Gayunman, pansinin ang ginawa ni Jesus nang naisin ng mga tao na gawin siyang hari. [Basahin ang Juan 6:15.] Nagtuon ng pansin si Jesus sa isang bagay na magdudulot ng walang-hanggang kabutihan sa iba. Tinatalakay ng magasing ito kung ano iyon.”
Gumising! Mayo 8
“Maraming tao ang napapaharap sa mahihirap na situwasyon sa trabaho. Ang ilan ay nililigalig pa nga ng kanilang mga katrabaho. Alam ba ninyo na ang Bibliya ay naglalaman ng payo na makatutulong sa atin na maharap ang gayong mahihirap na situwasyon? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 15:1.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi kung paano mapananatili ang pakikipagpayapaan sa ibang mga katrabaho.”