Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/04 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Patuloy na Makinabang Mula sa Ang Bantayan at Gumising!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pag-aalok ng Suskripsiyon sa mga Pagdalaw-Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Pinasimpleng Paraan sa Muling Pagpapanibago ng Suskrisyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Purihin si Jah sa Pamamagitan ng Pagkuha ng mga Suskripsiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 7/04 p. 3

Tanong

◼ Paano dapat kumuha ng personal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising!?

Yamang ang kaayusan sa suskrisyon para sa Ang Bantayan at Gumising! sa lahat ng wika ay itinigil mga ilang panahon na ngayon, ang lahat ng mamamahayag ay dapat kumuha ng kanilang mga magasin sa lokal na kongregasyon. Maaaring pumidido ng mga magasin ang kongregasyon sa pamamagitan ng form na Congregation Requests (M-202). Ang mga edisyon sa banyagang wika at sa malalaking letra ay dapat ding pididuhin na ginagamit ang form na ito.

Kung may indibiduwal sa inyong teritoryo na humihiling na regular siyang dalhan ng mga magasin, pakisuyong tiyakin na maasikaso ito kaagad upang matanggap niya ang lahat ng isyu. Ang tiwalag na mga indibiduwal ay makakakuha ng mga magasin o iba pang literatura para sa personal nilang gamit sa despatso ng magasin at literatura sa Kingdom Hall. Ang tiwalag na mga indibiduwal ay hindi dapat isama sa personal na ruta ng magasin.

Ang tanging mga suskrisyon na pananatilihin ng sangay sa Pilipinas ay yaong para sa mga hindi mapaglilingkuran ng mamamahayag ng kongregasyon sa pamamagitan ng ruta ng magasin. Kapag nagpadala ang Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ng pidido sa suskrisyon para sa isa na hindi makatatanggap ng magasin sa iba pang paraan, dapat maglakip ang kalihim ng isang maikling nota na nagpapatunay na maingat na sinuri at inaprobahan ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang pidido sa suskrisyon.

Nangangahulugan ito na hindi dapat sumulat ang mga mamamahayag sa tanggapang pansangay upang pumidido ng personal na suskrisyon. Anumang pidido sa suskrisyon na ginawa ng mga mamamahayag o interesadong mga tao ay ibabalik sa kongregasyon.

◼ Paano makakakuha ng personal na mga kopya ng magasin ang isang bilanggo?

Kung ang kongregasyon na nag-aasikaso sa gawaing pangangaral sa isang bilangguan ay makapagsusuplay ng mga magasin para sa mga nakabilanggo roon, ang mga bilanggo ay dapat kumuha ng kanilang personal na mga kopya ng Bantayan at Gumising! sa dumadalaw na mga mamamahayag. Kung hindi ito posible, ang bilanggo ay maaaring personal na pumidido ng suskrisyon sa pamamagitan ng pagsulat sa tanggapang pansangay. Pakisuyong pansinin na makakakuha rin ng personal na mga kopya ng magasin ang tiwalag na mga bilanggo gaya ng binalangkas sa parapong ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share