Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/04 p. 4
  • Ipamalas ang Espiritu ng Pagpapayunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipamalas ang Espiritu ng Pagpapayunir
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Felipe—Isang Masigasig na Ebanghelisador
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Felipe
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ihayag “ang Mabuting Balita Tungkol kay Jesus”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Paano Mo Mauunawaan ang Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 8/04 p. 4

Ipamalas ang Espiritu ng Pagpapayunir

1. Paano mo ilalarawan ang espiritu ng pagpapayunir?

1 Makapaglilingkod man sila ngayon bilang payunir o hindi, maipamamalas ng lahat ng mamamahayag ng Kaharian ang espiritu ng pagpapayunir. Masidhi ang pagnanais nilang sundin ang utos na mangaral at gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:​19, 20; Gawa 18:5) Nagmamalasakit sila sa mga tao at nagsasakripisyo upang ganapin ang kanilang ministeryo. (Mat. 9:36; Gawa 20:24) Handang gawin ng mga lingkod ni Jehova ang anumang kinakailangan upang tulungan ang iba na matuto ng katotohanan. (1 Cor. 9:19-23) Isaalang-alang natin ang halimbawa ng isang indibiduwal na nagpakita ng gayong espiritu, si Felipe na ebanghelisador.

2. Paano matutularan ng mga elder at ministeryal na lingkod ang sigasig ni Felipe sa ministeryo?

2 Pangangaral at Pagtuturo: Si Felipe ay bumalikat ng mabibigat na pananagutan sa kongregasyon noong unang siglo. (Gawa 6:1-6) Gayunman, siya ay pangunahin nang isang masigasig na mangangaral ng mabuting balita. (Gawa 8:40) Kaya sa ngayon, samantalang binabalikat ang kanilang iniatas na mga tungkulin, maipamamalas ng mga elder at ministeryal na lingkod ang espiritu ng pagpapayunir sa pamamagitan ng masigasig na pangunguna sa ministeryo. Lubha nga itong nakapagpapasigla sa espiritu ng kongregasyon!​—Roma 12:11.

3. Paano natin maipamamalas ang espiritu ng pagpapayunir kapag napapaharap tayo sa mga pagsubok?

3 Pagkamatay ni Esteban, naligalig ang mga alagad dahil sa daluyong ng pag-uusig. Gayunman, patuloy na nangaral si Felipe, at gumanap siya ng mahalagang papel upang mabuksan ang gawaing pangangaral sa mga Samaritano. (Gawa 8:​1, 4-6, 12, 14-17) Matutularan natin ang kaniyang halimbawa sa pamamagitan ng patuloy na paghahayag ng mabuting balita kapag napapaharap tayo sa mga pagsubok at sa pamamagitan ng pangangaral nang walang pagtatangi sa sinumang masumpungan natin.​—Juan 4:9.

4. Anong halimbawa ang ipinakita ni Felipe bilang isang guro?

4 Ang kasanayan ni Felipe bilang guro ng Salita ng Diyos ay makikita sa ulat hinggil sa pagkakumberte ng bating na Etiope. (Gawa 8:26-38) Ang pagpapasulong sa kakayahang gamitin ang Bibliya at ‘mangatuwiran mula sa Kasulatan’ ay isa pang paraan upang maipamalas natin ang espiritu ng pagpapayunir. (Gawa 17:​2, 3) Tulad ni Felipe, sinisikap nating ibahagi ang mabuting balita saanman masusumpungan ang mga tao at sa bawat angkop na pagkakataon.

5. Ano ang makatutulong upang maikintal ng Kristiyanong mga magulang sa kanilang mga anak ang espiritu ng pagpapayunir?

5 Pamilya at Kongregasyon: Ang saloobin at halimbawa ni Felipe ay walang-alinlangang nagkaroon ng positibong epekto sa kaniyang mga anak na babae. (Gawa 21:9) Sa gayunding paraan, napasisigla ng Kristiyanong mga magulang ang kanilang mga anak na tumulad sa kanila kapag inuuna nila sa kanilang buhay ang mga kapakanan ng Kaharian. Bagaman maaaring pagód na pagkatapos ng magawaing sanlinggo, ang isang magulang na masigasig na nangangaral sa iba ay mag-iiwan ng namamalaging impresyon sa puso ng kaniyang anak.​—Kaw. 22:6.

6. Paano natin maipakikita ang pagpapahalaga sa mga payunir sa ating kongregasyon?

6 Nagpakita si Felipe ng pagkamapagpatuloy kina Pablo at Lucas, masisigasig na Kristiyano na nagpagal nang husto sa paglilingkod kay Jehova. (Gawa 21:8-10) Paano natin maipakikita ang pagpapahalaga at suporta sa masisigasig na indibiduwal sa ngayon? Baka maaari nating samahan ang mga payunir sa umaga o sa hapon sa araw na iilan lamang ang nakikibahagi sa ministeryo. (Fil. 2:4) Maaari rin natin silang anyayahan sa ating tahanan para sa nakapagpapatibay na pagsasamahan. Anuman ang ating kalagayan, sikapin nawa ng bawat isa sa atin na ipamalas ang espiritu ng pagpapayunir.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share