Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/04 p. 1
  • Panatilihing Simple ang Iyong Mata

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Panatilihing Simple ang Iyong Mata
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Simple ba ang Iyong Mata?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Ang Mata Mo Ba ay “Simple”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ano ang Ibig Sabihin ng “Mata Para sa Mata”?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Matalinong Payo Para sa Mata
    Gumising!—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 9/04 p. 1

Panatilihing Simple ang Iyong Mata

1. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng simpleng mata, at bakit ito mahalaga?

1 Sa kaniyang Sermon sa Bundok, itinawag-pansin ni Jesus ang matinding impluwensiya ng ating makasagisag o espirituwal na mata sa buong landasin natin sa buhay. Sinabi niya: “Kaya nga, kung ang iyong mata ay simple, ang buong katawan mo ay magiging maliwanag; ngunit kung ang iyong mata ay balakyot, ang buong katawan mo ay magiging madilim.” (Mat. 6:​22, 23) Ang simpleng mata ay nakatuon sa iisang layunin​—paggawa ng kalooban ng Diyos​—anupat hindi nagagambala ng labis na kabalisahan sa materyal na mga bagay. (Mat. 6:19-21, 24-33) Ano ang makatutulong sa atin na mapanatiling simple ang ating mata?

2. Pinasisigla tayo ng Salita ng Diyos na magkaroon ng anong pangmalas sa materyal na mga bagay?

2 Nililinang ang Pagkakontento: Isang maka-Kasulatang pananagutan ang maglaan ng sapat na pangangailangan para sa ating sambahayan. (1 Tim. 5:8) Subalit hindi kinakailangang masangkot tayo sa walang katapusang paghahanap ng pinakamainam at pinakabagong mga bagay. (Kaw. 27:20; 30:​8, 9) Sa halip, hinihimok tayo ng Kasulatan na maging kontento sa “pagkain at pananamit,” ang mga pangangailangan sa buhay. (1 Tim. 6:8; Heb. 13:​5, 6) Ang pagsunod sa payong ito ay tutulong sa atin na mapanatiling wastong nakatuon ang ating mata.

3. Ano ang makatutulong upang hindi natin mapabigatan ang ating sarili?

3 Isang katalinuhan na iwasang pabigatan ang ating sarili ng di-kinakailangang utang at mga pag-aari o gawaing umuubos ng maraming panahon at atensiyon. (1 Tim. 6:​9, 10) Paano natin magagawa ito? Kapag may iniisip tayong gawin, may-pananalanging timbangin ang mga bagay-bagay at may-katapatang suriin kung makaaapekto ito sa espirituwal na mga gawain. Maging determinadong unahin sa iyong buhay ang espirituwal na mga bagay.​—Fil. 1:10; 4:​6, 7.

4. Bakit tayo dapat humanap ng mga paraan upang pasimplehin ang istilo ng ating pamumuhay?

4 Pasimplehin ang Istilo ng Iyong Pamumuhay: Isa pang tulong upang malabanan ang pang-akit ng materyalismo ay ang humanap ng mga paraan upang pasimplehin ang istilo ng iyong pamumuhay. Napansin ng isang kapatid na lalaki na makararaos naman ang kaniyang pamilya kahit wala silang labis na materyal na bagay, anupat nasabi niya: “Mas marami na akong nagagawa ngayon sa kongregasyon upang makapaglingkod sa aking mga kapatid. Kumbinsido ako na pinagpapala ni Jehova ang lahat ng kaniyang mga lingkod kapag inuuna nila ang tunay na pagsamba kaysa sa personal na mga kapakanan.” Mapasisimple mo ba ang istilo ng iyong pamumuhay upang matamasa ang higit pang pagpapala?

5. Bakit kailangan ang patuluyang pagsisikap upang mapanatiling simple ang ating mata?

5 Kailangan ang patuluyang pagsisikap upang malabanan ang impluwensiya ni Satanas, ang kaniyang materyalistikong sanlibutan, at ang ating sariling di-kasakdalan. Sa halip na hayaang gumala-gala ang ating mga mata, panatilihin nating nakatuon ang mga ito sa paggawa ng kalooban ng Diyos at sa ating mahalagang pag-asa na buhay na walang hanggan.​—Kaw. 4:25; 2 Cor. 4:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share