Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Ene. 15
“Gusto nating lahat ng mas magandang buhay para sa atin at sa ating mga anak, subalit iniisip ng marami na wala silang kakayahan para makamit ito. Sa palagay mo kaya ay makokontrol natin ang ating kinabukasan? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng magasing ito na ayon sa Bibliya, may magagawa tayo hinggil dito at nakasalalay ang ating kinabukasan sa mga pagpapasiyang ginagawa natin sa ngayon.” Basahin ang Deuteronomio 30:19.
Gumising! Ene. 22
“Kapag napapaharap sa mga problema sa kalusugan, lahat tayo ay nagpapahalaga sa isang doktor na nagbibigay-pansin sa ating mga damdamin. Pero sa palagay mo kaya ay maraming pasyente ang nagbibigay-pansin sa damdamin ng kanilang doktor? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang mga hamon na napapaharap sa mga doktor at kung ano ang kinabukasan ng panggagamot.” Basahin ang Isaias 33:24.
Ang Bantayan Peb. 1
“Hindi ba nakababahala na napakaraming tao sa ngayon ang nagiging biktima ng paniniil at karahasan? [Bumanggit ng kasalukuyang halimbawa sa inyong lugar, at hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano minamalas ng Diyos ang buhay ng tao. Ipinaliliwanag din nito kung paano niya tayo ililigtas sa mga pagdurusang umiiral sa ngayon.” Basahin ang Awit 72:12-14.
Gumising! Peb. 8
“Ang isa sa pinakamahihirap na hamong napapaharap sa atin ngayon ay ang pagdaig sa kaigtingan. Sang-ayon ka ba? [Hayaang sumagot.] May-katumpakang inihula ng Bibliya na magiging ganito ang kalagayan. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1.] Nagbibigay ang magasing ito ng praktikal na mga mungkahi na makatutulong sa iyo at sa iyong pamilya na madaig ang kaigtingan.”