Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Ene. 15
“Nitong nakaraang mga taon, lalong naging interesado ang mga tao sa mga anghel. Napag-isip-isip mo na ba kung sino sila at kung paano sila nakaaapekto sa ating buhay? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 34:7.] Tinatalakay ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa gawain ng mga anghel—noon, ngayon, at sa hinaharap.”
Gumising! Ene.
“May makukuhang payo ngayon sa halos lahat ng paksa. Sa palagay mo, gaano kaya karami sa mga ito ang mapagkakatiwalaan natin? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang 2 Timoteo 3:16.] Ipinakikita ng isyung ito ng Gumising! kung bakit ang Bibliya ay maaasahang mapagkukunan ng praktikal na karunungan.” Itampok ang artikulo na nagsisimula sa pahina 18.
Ang Bantayan Peb. 1
“Kailangan nating lahat ang pera para mabuhay. Pero sasang-ayon ka ba na kailangan nating mag-ingat sa panganib na binanggit dito? [Basahin ang 1 Timoteo 6:10, at hayaang sumagot.] Tinutulungan tayo ng isyung ito ng Ang Bantayan na malaman ang karaniwang mga panganib ng materyal na kasaganaan at tinatalakay nito kung paano maiiwasan ang mga ito.”
Gumising! Peb.
“Marami sa atin na may mga kamag-anak at kaibigang may-edad na ang nag-iisip kung paano natin sila tutulungang harapin ang mga hamon ng pagtanda. Sang-ayon ka ba? [Hayaang sumagot.] Nagmumungkahi ang magasing ito ng mga bagay na magagawa natin upang mas makayanan ang pagtanda. Ipinaliliwanag din nito kung paano matutupad ang hulang ito.” Basahin ang Job 33:25.