Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Ene. 15
“Sa palagay mo, kanino puwedeng humingi ng maaasahang payo ang mga mag-asawa? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo kung sino ang nagtatag ng pag-aasawa. [Basahin ang Genesis 2:22.] Naglaan din ang Diyos ng mga tagubilin tungkol sa marangal na papel ng asawang lalaki at ng asawang babae. Iyan ang ipinaliliwanag sa magasing ito.”
Gumising! Ene.
“Napansin mo ba na maraming nag-aangking Kristiyano ang hindi sumusunod sa mga turo ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Halimbawa, marami ang hindi sumusunod sa sinabi ni Jesus dito. [Basahin ang Juan 13:35.] Sinusuri sa artikulong ito ang pagkakaiba ng itinuro ni Jesus at ng pananaw ng maraming nag-aangking Kristiyano.” Itampok ang artikulo na nasa pahina 18.
Ang Bantayan Peb. 1
“Sa palagay mo, magiging mas mabuting dako kaya ang ating lugar kung susundin ng mga tao ang pananalitang ito? [Basahin ang Efeso 4:25. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Iniisip ng maraming tao na hindi masama ang magsinungaling sa ilang situwasyon. Ipinaliliwanag sa magasing ito ang mga kapakinabangan ng laging pagsasabi ng katotohanan.”
Gumising! Peb.
“Sa ilang lugar, waring nagbabago ang saloobin ng mga tao tungkol sa relihiyon. Sa palagay mo, nawawalan na ba ng impluwensiya ang mga simbahan? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng mga salitang ito ni apostol Pablo ang isang dahilan kung bakit ang ilan ay wala nang tiwala sa relihiyon. [Basahin ang Gawa 20:29, 30.] Ipinakikita sa magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kinabukasan ng Kristiyanismo.”