Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Ene. 15
“Dahil sa lahat ng naganap na pagdanak ng dugo, sa palagay mo ba’y nadaig na ng masama ang mabuti? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos. [Basahin ang Awit 83:18b.] Yamang ang Diyos ang Kataas-taasan sa buong lupa, maaari ba talagang magwagi ang masama? [Hayaang sumagot.] Ang isyung ito ng Ang Bantayan ay nagbibigay ng kasiya-siyang sagot sa tanong na iyan.”
Gumising! Ene. 22
“Ang ating katiwasayan ay lubhang nanganganib sa ngayon. Ang lalo nang ikinababahala ay ang bagay na tinatawag na pagnanakaw ng pagkakakilanlan (identity theft). Narinig mo na ba iyan? [Hayaang sumagot.] Nangangako ang Bibliya na balang-araw, ang lupang ito ay magiging malaya mula sa lahat ng banta sa ating katiwasayan. [Basahin ang Isaias 11:9.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano ito magaganap.”
Ang Bantayan Peb. 1
“Maraming tao sa ngayon ang nag-aalala tungkol sa kawalan ng trabaho, at ang iba naman ay lubhang ginigipit sa lugar ng trabaho. Sa palagay mo ba’y posible ang maging masaya at tiwasay sa lugar ng trabaho? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Isaias 65:21-23.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang isang panahon kapag ang lahat ay magkakaroon ng kapaki-pakinabang na trabaho.”
Gumising! Peb. 8
“Iniuulat ng isyung ito ng Gumising! ang hinggil sa isang masaklap na katotohanan sa ating panahon—ang prostitusyon ng mga bata. Ang napakasamang anyong ito ng pang-aabuso sa mga bata ay isang bagay na ipinangangako ng Bibliya na malapit nang magwakas. [Basahin ang Kawikaan 2:21, 22.] Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang nasa likod ng pagsasamantalang ito sa mga bata gayundin kung paano ito mapahihinto.”