Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Ene. 15
“Maraming tao ang gumagamit ng mga imahen sa kanilang pagsamba. Sa palagay ba ninyo’y may kapangyarihang magligtas ang gayong mga bagay? [Hayaang sumagot.] Pakisuyong pansinin kung ano ang gagawin ng tunay na Diyos para sa atin. [Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.] Tanging ang isang tunay na Diyos ang makagagawa nito. Ipinakikita ng magasing ito kung sino siya at kung paano tayo makikinabang sa pagtitiwala natin sa kaniya.”
Gumising! Ene. 22
“Maaaring ipinagwawalang-bahala natin na tayo’y may sariling tahanan. Subalit milyun-milyong nagsilikas sa buong daigdig ang palabuy-laboy na lamang, na hindi kailanman makasumpong ng kanilang ninanais na katiwasayan. Sinusuri ng Gumising! kung bakit umiiral ang suliraning ito at gayundin ang pangako ng Bibliya na balang araw ay magkakaroon ang lahat ng kanilang sariling tahanan.”
Ang Bantayan Peb. 1
“May malaking pagkabahala hinggil sa polusyon sa kapaligiran. Subalit napag-isipan na ba ninyo ang tungkol sa polusyon ng kaisipan? [Hayaang sumagot.] Idiniriin ng Bibliya ang kahalagahan ng pagiging malinis kapuwa sa pisikal at espirituwal. [Basahin ang 2 Corinto 7:1.] Nakatitiyak akong masusumpungan ninyo na kapaki-pakinabang at praktikal ang impormasyong ito.”
Gumising! Peb. 8
“Walang pagsalang nakikita ninyo na bagaman ang mga pag-aasawa ay kadalasang nagsisimula nang masaya, maraming mag-asawa ang naghihiwalay. Nais kong iwanan sa inyo ang isyung ito ng Gumising! na tumatalakay sa pangmalas ng Bibliya hinggil sa kung paano gagawing maligaya at nagtatagal ang pag-aasawa.”