Ginagamit Mo Ba ang mga Handbill?
Isang araw, isang handbill na nag-aanunsiyo ng isang pangmadlang lektyur hinggil sa impiyerno ang napulot ng isang 11-taóng-gulang na batang lalaki. “Naging interesadung-interesado ako rito,” ang ipinaliwanag niya nang maglaon, “palibhasa’y waring laging mali ang ginagawa ko, nangangamba ako na kapag namatay ako, baka mapunta ako sa isang nag-aapoy na impiyerno.” Dumalo siya sa lektyur, at makalipas ang mga isang taon, pagkatapos ng ilang sesyon ng pag-aaral sa Bibliya, nabautismuhan siya. Ganiyan nagsimula ang ministeryong Kristiyano ni Karl Klein, na nang maglaon ay naglingkod bilang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova sa loob ng maraming taon. Nagsimula ang lahat sa isang handbill.
Hanggang ngayon, mabisang pantulong pa rin sa pagpapatotoo ang mga handbill. Nasumpungan ng maraming mamamahayag na ang isang kumbinyenteng paraan upang ipakilala ang kanilang sarili at pasimulan ang pag-uusap ay ang mag-abot ng handbill sa may-bahay. Maaaring makibahagi ang mga bata sa ministeryo kung tuturuan sila ng kanilang mga magulang na sila ang mag-abot ng handbill sa may-bahay. Ang mga mamamahayag na nagpapatotoo sa pamamagitan ng liham ay maaaring maglakip ng isang handbill upang ianunsiyo ang mga pagpupulong. At siyempre pa, ang pagbibigay ng mga handbill ay isang kumbinyenteng paraan upang anyayahan ang ating mga estudyante sa Bibliya at iba pang interesado na dumalo sa ating mga pagpupulong.
Mabisa mo bang ginagamit ang mga handbill sa iyong ministeryo?