Gamitin Nang May Katalinuhan ang Iyong Panahon
1 Ang ating hangaring mapalugdan si Jehova ay nag-uudyok sa atin na isentro ang ating buhay sa espirituwal na mga gawain. Tinuturuan tayo ng kaniyang Salita na ‘patuloy na hanapin muna ang kaharian’ at ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’ (Mat. 6:33; Fil. 1:10) Paano natin mabibili ang panahon para sa mga kapakanang pang-Kaharian at panatilihing pangalawahin ang hindi gaanong mahahalagang gawain?—Efe. 5:15-17.
2 Unahin ang mga Gawaing Pang-Kaharian: Iiskedyul ang iyong panahon upang hindi ito masayang sa mga bagay na hindi mahalaga. Sinisimulan ng ilan ang bawat buwan sa pamamagitan ng pag-iiskedyul ng espesipikong mga panahon sa kanilang kalendaryo para sa ministeryo sa larangan. Pagkatapos, tinitiyak nilang hindi mahahadlangan ng ibang mga bagay ang mga planong iyon. Magagawa rin ang gayon upang bilhin ang panahon para sa mga pagpupulong, personal na pag-aaral, at mga kombensiyon. Marami ang may iskedyul araw-araw na nagsisimula o nagtatapos sa pamamagitan ng pagbasa sa Bibliya. Mag-iskedyul ng espesipikong panahon para sa bawat mahalagang gawain, at huwag hayaang mahadlangan ito ng ibang bagay.—Ecles. 3:1; 1 Cor. 14:40.
3 Limitahan ang Paggamit sa Sanlibutan: Sa ilang bansa, maraming isport, libangan, kinagigiliwang gawain, at iba pa na maaaring pagkaabalahan. Marami ang gumugugol ng napakaraming oras sa panonood ng telebisyon o sa paggamit ng computer. Gayunman, ang pagiging abala sa mga gawain ukol sa paglilibang at sa mga bagong gadyet na iniaalok ng sanlibutang ito ay tiyak na hahantong sa kabiguan. (1 Juan 2:15-17) Kaya hinihimok tayo ng Kasulatan na huwag gamitin ang sanlibutan nang lubusan. (1 Cor. 7:31) Sa pagbibigay-pansin mo sa matalinong payo na iyon, maipakikita mo kay Jehova na una sa iyong buhay ang pagsamba sa kaniya.—Mat. 6:19-21.
4 Paubos na ang panahong natitira para sa kasalukuyang sistemang ito. Yaong mga inuuna ang mga kapakanang pang-Kaharian ay magiging maligaya at magtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. (Kaw. 8:32-35; Sant. 1:25) Kaya, gamitin nawa natin nang may katalinuhan ang ating panahon, na talaga namang napakahalaga.