Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/96 p. 1
  • Kung Paano Bibilhin ang Naaangkop na Panahon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Bibilhin ang Naaangkop na Panahon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Binibili ang Panahon sa Pagbabasa at Pag-aaral
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Manatiling Mahigpit na Nagbabantay sa Iyong Paggamit ng Panahon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Magbigay Nang Maingat na Pansin sa Personal na Organisasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Gamitin Nang May Katalinuhan ang Iyong Panahon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 10/96 p. 1

Kung Paano Bibilhin ang Naaangkop na Panahon

1 Palibhasa’y maraming ginagawa sa paglilingkod kay Jehova lagi tayong nagiging abala! (1 Cor. 15:58) Kinikilala natin ang pangangailangang mag-aral nang personal at bilang isang pamilya, magbasa ng Bibliya araw-araw, maghanda at dumalo sa mga pulong ng kongregasyon at makibahagi nang palagian sa ministeryo sa larangan. Ang mga tagapangasiwa ay may ginagawang pagpapastol at iba pang mga pananagutan sa kongregasyon. Ang ilan ay maaaring may pampamilyang pananagutan o mga obligasyon sa iba. Upang maisagawa nang wasto ang lahat ng mga bagay, bawat isa ay nangangailangang maging timbang at magkaroon ng mabuting personal na organisasyon.

2 Itakda ang mga Dapat Unahin: Ang tagumpay sa ‘pagbili ng naaangkop na panahon para sa ating sarili’ ay depende sa ating kaunawaan at mabuting pagpapasiya. (Efe. 5:15, 16) Dapat nating tiyakin kung ano “ang mga bagay na higit na mahalaga” at unahin ang mga ito. (Fil. 1:10) Isang mag-asawa ang naglarawan sa kanilang sambahayan sa ganitong paraan: “Aming pinunô ang aming buhay ng katotohanan . . . Ang katotohanan ay hindi basta bahagi ng aming buhay, ito ang buong buhay namin. Ang lahat ng iba pang bagay ay umiikot sa palibot nito.” Ang unahin ang pagsamba kay Jehova sa buhay ng isa ay napakahalaga.

3 Kilalanin ang mga Umaaksaya ng Panahon: May 168 oras sa isang linggo, at kailangan nating gamitin ang panahong iyon nang may katalinuhan. Upang magkaroon ng sapat na panahon para sa teokratikong mga gawain, kailangan nating kilalanin at bawasan ang mga umaaksaya ng panahon. Ang isang pagsusuri ay nagpakita na ang isang karaniwang adulto sa Estados Unidos ay gumugugol ng mahigit sa 30 oras sa panonood ng TV sa isang linggo! Para sa iba, malaking panahon ang ginugugol sa pagbabasa ng maka-sanlibutang literatura. Ang ilan ay maaaring nag-uukol ng masyadong panahon sa sosyal na mga gawain, paglilibang, o gawain sa computer. Katalinuhang suriin ang ating rutin sa araw-araw at magtakda ng hangganan sa panahong ating iniuukol sa di-gaanong mahahalagang gawain.

4 Magtatag ng Isang Mabuting Rutin: Anuman ang ating personal na mga kalagayan, maaaring bilhin ng bawat isa sa atin ang panahon para sa ating espirituwal na mga tunguhin. Nasumpungan ng ilan na ang maagang pagpapasimula bawat araw ay nakatutulong sa kanila para mas marami ang magawa pa. Kung tayo ay gumugugol ng malaking panahon sa pagpunta sa trabaho o sa paghihintay sa iba, maaari nating gamitin ang ilan sa panahong ito para sa pagbabasa ng Bibliya, paghahanda para sa mga pulong, o pakikinig sa mga cassette na inilaan ng Samahan. Ang mga pamilya ay nakikinabang nang malaki kapag nagtatakda ng panahon para sa espesipikong oras ng pag-aaral nang magkakasama. Kung ang bawat miyembro ng pamilya ay nasa oras para sa pag-aaral ng pamilya, bawat isa ay makikinabang yamang walang panahong maaaksaya.

5 Sa bawat paglipas ng araw, lalo nating nababatid na “ang panahong natitira ay pinaikli.” (1 Cor. 7:29) Ang ating buhay ay nakasalalay sa paggamit natin ng natitirang panahon. Tayo ay pagpapalain kung ating binibili ang naaangkop na panahon anupat patuloy na inuuna ang mga kapakanan ng Kaharian!—Mat. 6:33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share