Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/06 p. 6
  • Humihingi Ka Ba ng mga Referral?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Humihingi Ka Ba ng mga Referral?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Tulungan ang mga Bible Study na Sumulong at Magpabautismo—Bahagi 2
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Tulungan ang mga “Wastong Nakaayon” na Maging mga Alagad
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Limang Paraan Para Makahanap ng Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Tulungan ang Bible Study Mo na Mabautismuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 4/06 p. 6

Humihingi Ka Ba ng mga Referral?

Kung ikaw ay kasalukuyang nagdaraos ng isang pag-aaral sa Bibliya, bakit hindi mo tanungin ang estudyante kung mayroon ba siyang mga kaibigan, kamag-anak, o mga kakilala na gusto ring makaalam kung ano ang itinuturo ng Bibliya? Karaniwan nang babanggitin niya ang ilang pangalan. Kung ipahihintulot ng estudyante, maaari mong banggitin ang kaniyang pangalan kapag dinalaw mo ang mga indibiduwal na iyon upang mag-alok ng isang pag-aaral sa Bibliya. Maaari mong sabihin, “Nasisiyahan si [pangalan ng estudyante] sa pag-aaral ng Bibliya, at iniisip niyang gusto mo ring makinabang mula sa aming programa ng libreng pag-aaral sa Bibliya.” Saka itanghal nang maikli kung paano idinaraos ang pag-aaral, na ginagamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya.

Kung may estudyante kang mahusay ang pagsulong, maaari mo siyang pasiglahin na ikuwento ang pag-aaral ninyo sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya na posibleng interesadong mag-aral. Maaari niya silang anyayahang makisama sa kaniyang pag-aaral. O kung hindi iyan kumbinyente, maaari siyang gumawa ng kaayusan na makipagkita ka sa kanila upang itanghal ang pag-aaral. Sa paggawa nito, mapasisigla mo ang estudyante na magsimulang ibahagi sa iba ang kaniyang kaalaman sa Bibliya.

Ang mga regular mong dinadalaw-muli ay maaari ring magbigay sa iyo ng mga referral, kahit na kung sila mismo ay hindi pa tumatanggap ng regular na pag-aaral sa Bibliya. Kapag inalok mo sila ng isang kopya ng aklat na Itinuturo ng Bibliya, maaari mong itanong, “May nakikilala ka ba na gustong magkaroon ng kopya ng publikasyong ito?”

Dahil sa pagkaapurahan ng panahon, gusto nating gamitin ang lahat ng posibleng paraan upang tulungan ang mga tao na marinig at tanggapin ang mabuting balita. Humihingi ka ba ng mga referral?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share