Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 15
“Halos lahat ay sumasang-ayon na ang isa sa mga susi sa maligayang buhay pampamilya ay ang mahusay na pakikipag-usap, gayunman nahihirapan ang maraming tao na makipag-usap nang mahusay. Bakit kaya? [Hayaang sumagot.] May mga mungkahi ang magasing ito para malinang ang mahusay na pakikipag-usap.” Basahin ang Santiago 1:19.
Gumising! Abr.
“Marami ang nagsasabing natutulungan sila ng krus upang maging mas malapít sa Diyos. Pero nagtatanong ang ilan: Tama bang sambahin ang instrumentong ginamit sa pagpatay kay Jesus? Talaga bang sa krus namatay si Jesus? Sinusuri ng artikulo pasimula sa pahina 12 ang pangmalas ng Bibliya sa mga tanong na ito.” Basahin ang Gawa 5:30.
Ang Bantayan Mayo 1
“Milyun-milyong tao sa buong daigdig ang nagdurusa dahil sa masaklap na mga epekto ng kahirapan. Ano sa palagay mo ang magagawa upang matulungan sila? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang 1 Pedro 2:21.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano natin matutularan ang halimbawa ni Jesus sa pagmamalasakit sa mga mahihirap.”
Gumising! Mayo
“Naitanong mo na ba kung bakit tayo tumatanda? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng Bibliya kung bakit tayo tumatanda at kung ano ang ginawa ng Diyos upang magtamasa tayo ng walang-hanggang buhay. [Basahin ang Isaias 25:8.] Sinusuri ng isyung ito ng Gumising! ang ilang ideya ngayon tungkol sa proseso ng pagtanda.”