Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/07 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Malugod Kayong Tinatanggap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Mga Tagubilin Para sa Pulong na Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano
    Mga Tagubilin Para sa Pulong na Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano
  • Pasimulan at Tapusin ang mga Pulong Nang Nasa Oras
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Bagong Iskedyul ng Pulong ng Kongregasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 5/07 p. 3

Tanong

◼ Sino ang dapat manguna sa pambukas na awit sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, Pulong sa Paglilingkod, Pulong Pangmadla, at Pag-aaral sa Bantayan, at paano ito dapat gawin?

Ang mga napiling pambukas na awit para sa bawat linggo sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay nasa Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, na insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre. Ang pambukas at pansarang awit para sa bawat linggo sa Pulong sa Paglilingkod ay nasa pahina 2 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Ang mga awit naman para sa lingguhang Pag-aaral sa Bantayan ay nasa pahina 2 ng bawat isyu ng Ang Bantayan. Ang mga awit na nakaatas ay itinuturing na bahagi ng pulong kung saan ito gagamitin at samakatuwid ay dapat banggitin ng kapatid na nangangasiwa sa pulong sa halip na ang tsirman ng naunang pulong.

Halimbawa, ang tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ang malugod na tatanggap sa mga tagapakinig, mangunguna sa pambukas na awit, at mangangasiwa sa paaralan. Pagkatapos, tatawagin niya sa plataporma ang unang tagapagsalita sa Pulong sa Paglilingkod. Ang kapatid na ito na may bahagi sa Pulong sa Paglilingkod ang mangunguna sa pambukas na awit sa pulong na ito.

Sa katulad na paraan, ang Pulong Pangmadla ay pasisimulan ng tsirman. Malugod niyang tatanggapin ang lahat ng tagapakinig at aanyayahan silang awitin ang pambukas na awit na pinili ng tagapagsalita. Sisimulan ng tsirman (o marahil ng iba pang kuwalipikadong brother na patiunang inatasan) ang pulong sa pamamagitan ng panalangin. Ipakikilala niya ang tagapagsalita at babanggitin ang paksa ng pahayag. Pagkatapos ng pahayag, maikling magpapasalamat sa pagtalakay ang tsirman nang hindi na inilalahad ang sumaryo ng pahayag. Ipatatalastas niya ang pamagat ng pahayag pangmadla para sa susunod na linggo, saka niya aanyayahan ang lahat ng dumalo na manatili para sa Pag-aaral sa Bantayan. Hindi na kailangang itanong ng tsirman sa mga tagapakinig kung nais nilang ipaabot ang kanilang pag-ibig at pagbati sa kongregasyon ng dumalaw na tagapagsalita. Pagkatapos nito, aanyayahan ng tsirman sa plataporma ang tagapangasiwa ng Pag-aaral sa Bantayan.

Ang tagapangasiwa ng Pag-aaral sa Bantayan ang mangunguna sa unang awit para sa pag-aaral. Pangangasiwaan niya ang pag-aaral ayon sa inilathalang mga tagubilin at pagkatapos ay sasabihin niya ang pansarang awit. Karaniwan nang inaanyayahan ng nangangasiwa sa Pag-aaral sa Bantayan ang kapatid na nagpahayag para manguna sa pansarang panalangin.

Ang pagsunod sa pangkalahatang mga tagubiling ito ay tutulong upang matiyak na iisa ang kaayusan sa pagdaraos ng mga pulong sa kongregasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share