Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/07 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Paggamit ng Internet—Maging Alisto sa mga Panganib Nito!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Mga Bata at Internet—Ang Dapat Malaman ng mga Magulang
    Gumising!—2008
  • Mga Bata at Internet—Ang Magagawa ng mga Magulang
    Gumising!—2008
  • Paano Ko Maiiwasan ang mga Panganib sa Internet?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 7/07 p. 3

Tanong

◼ Anu-ano ang panganib ng paggamit ng Internet upang makipag-usap sa isa na hindi natin kilala?

Maraming Web site ang dinisenyo upang magkakilala at mag-usap ang mga tao sa Internet. Sa mga site na ito makapaglalagay ang mga indibiduwal ng ilang impormasyon tungkol sa kanilang sarili na kung minsan ay may kasama pang mga litrato at iba pang detalye. Kaya maaaring makipag-ugnayan sa kanila ang mga taong makababasa nito. Napakapopular ng mga Web site na ito sa mga kabataan, at ginamit ng ilang kabataan sa kongregasyon ang mga ito upang makipagkaibigan sa iba na nag-aangking mga Saksi ni Jehova.

Madaling itago ng isang tao na nakilala natin sa Internet ang kaniyang tunay na pagkatao, ang kaniyang espirituwalidad, o ang kaniyang mga motibo. (Awit 26:4) Ang isa na nag-aangking Saksi ni Jehova ay maaaring isang di-kapananampalataya, isang tiwalag, o aktibong apostata pa nga. (Gal. 2:4) Iniulat na ginagamit ng maraming pedopilya ang mga Web site na ito upang humanap ng kanilang mga biktima.

Kahit na kumbinsido tayo na ang kausap natin sa Internet ay may mabuting katayuan sa kongregasyon, maaari pa ring mauwi ang usapan sa di-kaayaayang bagay. Kasi hindi gaanong nahihiya ang mga tao sa mga indibiduwal na hindi naman nila aktuwal na nakikita. Baka ituring din nilang pribado ang pakikipag-usap sa Internet at inaakala nilang anuman ang sabihin nila ay hindi malalaman ng iba, gaya ng kanilang mga magulang o mga elder. Nakalulungkot, maraming kabataan mula sa Kristiyanong sambahayan ang nasilo at nasangkot sa malaswang pananalita. (Efe. 5:3, 4; Col. 3:8) Isinama ng ilan sa kanilang profile sa Internet ang kanilang mahahalay na litrato, mga bansag na nagpapahiwatig ng kahalayan, o mga link sa mahalay na mga music video.

Dahil dito, dapat subaybayan ng mga magulang ang paggamit ng kanilang mga anak ng computer. (Kaw. 29:15) Mapanganib na anyayahan ang isang estranghero sa ating tahanan o iwan siyang mag-isa na kasama ng ating mga anak. Sa katulad na paraan, mapanganib para sa atin o sa ating mga anak na makipagkaibigan sa mga estranghero sa Internet, kahit na sinasabi nilang mga Saksi ni Jehova sila.—Kaw. 22:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share