Ang Pinakamalawak na Kampanya sa Pangangaral Kailanman!
Sa loob ng mahigit 100 taon, ang mga Saksi ni Jehova ay inorganisa upang ibahagi ang mabuting balita. (1 Cor. 9:23) Sa pinakamalawak na kampanya sa pangangaral kailanman, sinasabi natin ang mensaheng ito sa daan-daang wika. Inihahatid natin ito sa mahigit 230 lupain. (Mat. 24:14) Pero bakit kailangan itong gawin? At paano ito isinasagawa sa buong daigdig?
Sinasagot ng video na Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye tungkol sa maraming aspekto ng ating gawain sa buong daigdig. Habang pinanonood mo ito, isaalang-alang ang mga tanong na ito: (1) Paano inoorganisa at pinangangasiwaan ang ating gawain? (2) Anong papel ang ginagampanan ng mga departamento ng Writing, Translation Services, Art, at Audio/Video Services sa paghahatid ng mabuting balita? (3) Ano ang layunin ng malawakang pag-iimprenta at pagpapadala natin ng ating mga literatura? (Juan 17:3) (4) Ilang literatura ang iniimprenta sa isang taon? (5) Ano ang nagagawa ng ating salig-Bibliyang mga publikasyon? (Heb. 4:12) (6) Ano ang ginagawa upang ituro ang Bibliya sa mga may kapansanan sa paningin at pandinig? (7) Paano tinutustusan ang ating gawain? (8) Paano tayo nakikinabang mula sa gawain ng Hospital Information Services, Service Department, at ng Convention Department? (9) Bilang isang Saksi ni Jehova, paano nakatulong ang video na ito upang higit mong mapahalagahan ang (a) pagsisikap na ginagawa ng organisasyon ni Jehova upang ipangaral ang mabuting balita? (b) mahigit 100 pamilyang Bethel sa buong daigdig? (c) pagtuturo at pagsasanay na inilalaan para sa mga tagapangasiwa at mga misyonero? (d) pagsasaalang-alang ng teksto sa Bibliya tuwing umaga at paghahanda para sa mga pulong ng kongregasyon linggu-linggo? (e) mga kapakinabangan ng pagdalo sa ating mga pagtitipong Kristiyano? (f) kahulugan ng Paraiso sa lupa? (Isa. 11:9) (g) personal na pakikibahagi sa nagaganap na gawaing pag-aani?—Juan 4:35.
Anong positibong pagtugon ang nakita mo sa iyong mga kamag-anak, kakilala, mga dinadalaw-muli, at mga estudyante sa Bibliya nang ipalabas mo ang video na ito? Bakit hindi rin ito ipakita sa iba pa at ibahagi ang mabuting balita sa kanila sa lalong madaling panahon?—Mat. 28:19, 20.