Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/07 p. 8
  • Aliwin ang May Pusong Wasak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aliwin ang May Pusong Wasak
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Magbigay ng Kaaliwan sa mga Namimighati
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kung Paano Tayo Tinutulungan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • “Aliwin ang Lahat ng Nagdadalamhati”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaaliwan at Pampatibay-loob—Mga Hiyas na Maraming Pitak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 12/07 p. 8

Aliwin ang May Pusong Wasak

1 Ngayon lamang sa kasaysayan ng tao lubhang kinakailangan ang kaaliwan. Bilang pagsunod sa pangunguna ng ating Hari, si Kristo Jesus, nagsisikap din tayong “bigkisan ang may pusong wasak.”—Isa. 61:1.

2 Kung Paano Aaliwin ang mga Tao: Upang aliwin ang mga tao, ang ating presentasyon sa ministeryo ay dapat na timbang at nakapagpapatibay. Gawin nating pangunahin sa ating pakikipag-usap ang katotohanan mula sa Bibliya at ang maligayang pag-asa ng nakaaaliw na mga pangako ng Diyos sa halip na pagtuunan ng pansin ang masasamang gawain sa daigdig at mga huwad na doktrina. Hindi naman ito nangangahulugang hindi na natin dapat pag-usapan ang Armagedon. Atas natin na ihayag kapuwa “ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova at ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos,” at “babalaan ang balakyot sa kaniyang balakyot na lakad.” Pero hindi nilayong tabunan ng pagbababala tungkol sa Armagedon at sa mapangwasak na mga resulta nito ang tema ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.—Isa. 61:2; Ezek. 3:18; Mat. 24:14.

3 Sa Bahay-bahay: Karaniwan na tayong nakakakita ng mga taong nasisiraan ng loob dahil sa sakit, kamatayan ng isang mahal sa buhay, kawalang-katarungan, o mga problema sa kabuhayan. Bilang mga tagatulad ni Kristo, tayo ay ‘nahahabag’ at nagmamalasakit sa mga nakakausap natin sa ministeryo. (Luc. 7:13; Roma 12:15) Bagaman nagbabasa tayo ng isa o dalawang teksto may kaugnayan sa problema nila, dapat tayong maging “matulin sa pakikinig,” sa gayo’y hinahayaan nating ipahayag ng ating kausap ang kaniyang niloloob. (Sant. 1:19) Pagkatapos makinig, mas handa tayong magbigay ng kaaliwan.

4 Sa isang angkop na panahon sa pag-uusap, maaari nating sabihin, “Gusto kong basahin sa iyo ang ilang nakapagpapatibay-loob na pananalita mula sa Bibliya.” Kailangan ang mabuting pagpapasiya upang hindi natin sikaping pasinungalingan ang bawat maling pananaw na maaaring sabihin ng tao. Sa halip, dapat nating pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng pampatibay-loob at kaaliwan sa pamamagitan ng paggamit ng Kasulatan upang palakasin ang kanilang loob. Makatutulong sa iyo kung babasahin mo ang Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan pahina 311-315 sa ilalim ng uluhan na “Pampatibay-Loob.” O maaari mong bigyan ang may-bahay ng isang kopya ng tract na Kaaliwan Para sa Nanlulumo at repasuhin sa kaniya ang nakapagpapatibay-loob na materyal doon.

5 Humanap ng mga Pagkakataon Upang Aliwin ang Iba: May kilala ka bang kapitbahay, katrabaho, kaeskuwela, o kapamilya na nangangailangan ng kaaliwan? Bakit hindi magsikap na dalawin sila sa kanilang tahanan upang ibahagi ang kaaliwan mula sa Kasulatan? Kapag alam mo kung bakit sila nangangailangan ng kaaliwan, makapaghahanda ka para sa partikular na situwasyon. Upang magawa ito, ang ilan ay sumulat o tumawag sa telepono. Pakikilusin tayo ng tunay na pag-ibig na magpakita ng pakikipagkapuwa-tao at magbigay ng kinakailangang kaaliwan mula sa Kasulatan.—Luc. 10:25-37.

6 Oo, inatasan tayong aliwin ang mga nagdadalamhati, pasayahin ang mga nalulumbay, at ituro sa kanila ang pag-asa sa isang magandang kinabukasan. Ito ang kaaliwan na kailangan ng mga tao sa daigdig. Ang masayang pagsasabi tungkol sa maraming mabubuting bagay na ipinangako ng Diyos ay magdudulot ng kaaliwan at pag-asa sa mga tapat-puso. Lagi nawa nating tandaan ang pangangailangan na bigkisan ang may pusong wasak.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share