Tanong
◼ Anong dalawang publikasyon ang dapat pag-aralan ng mga interesado?
Ang aklat na Itinuturo ng Bibliya ang pangunahing aklat na ginagamit natin upang makapagpasimula at makapagdaos ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Bagaman maaari namang gumamit ng ibang publikasyon, gaya ng isang angkop na tract, upang makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya, dapat pagsikapan sa lalong madaling panahon na ilipat sa aklat na Itinuturo ng Bibliya ang pag-aaral. Kapansin-pansin ang magandang resulta kapag ginagamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya upang makapagpasimula ng mga pag-aaral.
Kapag natapos na ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sumusulong naman ang estudyante, isunod ang pag-aaral sa aklat na Sambahin ang Diyos. (Col. 2:7) Ipinaliliwanag sa pahina 2 ng aklat ang layunin nito: “Hinihimok ng Bibliya ang lahat ng umiibig sa Diyos na ‘maintindihan . . . [ang] taas at lalim’ ng kaniyang mahahalagang katotohanan. (Efeso 3:18) Dahil sa layuning iyan kung kaya inihanda ang aklat na ito. Umaasa kami na tutulong ito sa iyo na sumulong sa espirituwal at maging higit na nasasangkapan sa paglakad sa makipot na daan patungo sa buhay sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos.”
Kung kuwalipikado na ang estudyante sa bautismo bago pa matapos ang dalawang aklat, dapat pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang matapos ang pangalawang aklat. Kahit bautisado na ang estudyante, maaari pa ring ireport ng nagtuturo ang oras, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya. Maaari ding magreport ng oras ang mamamahayag na sumasama at nakikibahagi sa pagdaraos ng pag-aaral.