Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/08 p. 4
  • Maaari Kang Yumaman!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maaari Kang Yumaman!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Di-matuwid na Kayamanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang mga Pagpapala ng Pagpapayunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kayamanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 5/08 p. 4

Maaari Kang Yumaman!

1. Bakit dapat mong pag-isipan ang pagiging isang regular pioneer?

1 Hinahangad mo bang maging mas maligaya at makabuluhan ang iyong buhay? Nakasusumpong ka ba ng kaluguran at kasiyahan sa pagtulong sa iba? Ninanais mo ba na higit pang paglingkuran si Jehova? Kung oo ang sagot mo sa isa sa mga tanong na ito, dapat mong pag-isipan ang pagiging isang regular pioneer. Sabihin pa, kailangang isaalang-alang ang pamilya at iba pang maka-Kasulatang pananagutan, gayundin ang kalusugan at pisikal na mga limitasyon.

2. Banggitin ang ilan sa espirituwal na mga kayamanan na natatamo ng mga regular pioneer.

2 Sa mga sulat ni Solomon na kinasihan ng Diyos, iniugnay niya ang mga pagpapala ni Jehova sa materyal na mga kayamanan. (Kaw. 10:22) Sa ngayon, ang pagpapala ni Jehova ay pangunahin nang nagbubunga ng espirituwal na mga kayamanan. Nag-uumapaw sa gayong mga kayamanan ang mga regular pioneer. Halimbawa, nakararanas sila ng higit na kagalakan sa pagbibigay sa iba kapag ‘binibili nila ang panahon’ mula sa kanilang personal na mga gawain. (Col. 4:5; Gawa 20:35) Ang kanilang mga gawa ng pag-ibig ay nakikita at pinahahalagahan ni Jehova. Hindi kailanman mawawalan ng halaga ang gayong “mga kayamanan sa langit.” (Mat. 6:20; Heb. 6:10) Higit pa riyan, habang pinananatili ng mga payunir ang ‘simpleng mata’ at nagtitiwalang ilalaan ni Jehova ang kanilang mga pangangailangan, tumitibay ang kanilang kaugnayan sa kaniya.—Mat. 6:22, 25, 32; Heb. 13:5, 6.

3. Anong kaibahan ng paghahanap ng espirituwal na mga kayamanan sa paghahanap ng materyal na mga kayamanan?

3 Ang paghahanap ng materyal na mga kayamanan ay karaniwang humahantong sa “maraming hangal at nakasasakit na mga pagnanasa.” (1 Tim. 6:9, 10; Sant. 5:1-3) Hinding-hindi ito mangyayari kung tungkol sa pagpapala ni Jehova. Yamang ginugugol ng mga regular pioneer ang karamihan ng kanilang panahon sa pangangaral, natutulungan sila nito na manatiling timbang sa espirituwal at maituon ang pansin sa mas mahahalagang bagay. (Fil. 1:10) Iniwan ng isang brother ang kaniyang trabaho bilang isang inhinyero, na umuubos ng kaniyang panahon, upang makapagpayunir. Sinabi niya: “Wala akong gaanong tensiyon sa pagpapayunir, di-tulad sa trabaho ko noon. Nakakatulong pa ako ngayon sa mga tao na matuto ng katotohanan. Higit itong makabuluhan at kasiya-siya.”

4. Anong mga pagpapala ang natatamo ng mga regular pioneer habang nagdudulot sila ng pagpapala sa iba?

4 Pagpapala sa Iba: Nararanasan nating lahat sa ngayon ang “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Tim. 3:1) Kailangang-kailangan ng lahat ng tao ng pag-asa. Tuwang-tuwa ang mga tagapaghayag ng Kaharian na makitang nabubuhayan ng loob ang mga taong walang pag-asa habang tumutugon ang mga ito sa mabuting balita. Talagang matinding kagalakan nga iyon para sa mga regular pioneer na gumugugol ng mahigit 800 oras bawat taon sa nagliligtas-buhay na gawaing ito!—1 Tim. 4:16.

5, 6. Ano ang makatutulong sa iyo na maging isang regular pioneer?

5 Pinag-isipan mo na bang maglingkod bilang isang regular pioneer? Baka kailangan mong ‘bilhin ang naaangkop na panahon’ mula sa di-gaanong mahahalagang gawain. (Efe. 5:15, 16) Marami ang gumawa nang gayon at pinasimple ang kanilang buhay, kaya nagawa nilang bawasan ang panahon sa sekular na trabaho upang gumugol ng higit na panahon sa mga kapakanan ng Kaharian. Maisasaayos mo ba ang iyong iskedyul upang maging isa sa kanila?

6 Ipanalangin kay Jehova na bigyan ka ng karunungan upang maisaayos mo ang iyong iskedyul. (Sant. 1:5) Kung gagawin mo ito, anu-anong pagpapala ang maaasahan mo? Saganang espirituwal na kayamanan! Pagpapalain ka rin ni Jehova sa iyong materyal na mga pangangailangan. (Mat. 6:33) Ang mga sumusubok kay Jehova sa bagay na ito ay makatatanggap ng “isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.”—Mal. 3:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share