Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/09 p. 1
  • Paano Nila Maririnig?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Nila Maririnig?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Walang Humpay sa Pagpapahayag ng Mabuting Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Magpatuloy sa Ating Ministeryo Nang Walang Humpay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Kung Bakit Patuloy Tayong Bumabalik
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Patuloy na Ipangaral ang Kaharian
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 1/09 p. 1

Paano Nila Maririnig?

1. Bakit maaaring maging isang hamon ang pangangaral, at bakit tayo nagpapatuloy sa paggawa nito?

1 Yamang mabilis na dumarating ang araw ni Jehova, kailangan na apurahan nating tulungan ang marami pang tao na magtamo ng tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos at sa kaniyang layunin para sa sangkatauhan. (Juan 17:3; 2 Ped. 3:9, 10) Maaaring maging hamon ito kung minsan, yamang marami ang walang interes o nanunuya pa nga sa atin dahil sa ating pangangaral. (2 Ped. 3:3, 4) Gayunpaman, marami tayong dahilan para maniwalang may mga indibiduwal pa rin sa ating teritoryo na tatanggap sa mabuting balita minsang marinig nila ito. Ngunit paano nila ito maririnig kung walang mangangaral?—Roma 10:14, 15.

2. Paano tayo napapatibay sa halimbawa ni apostol Pablo?

2 Pagharap sa Pagsalansang: Alang-alang sa mga nagnanais na makarinig sa mensahe ng Kaharian, huwag nating hayaan na may makahadlang sa ating pangangaral. Ang Filipos ang unang lunsod sa Europa na nakarinig sa mabuting balita na ipinangangaral ni apostol Pablo. Nang siya at si Silas ay paratangan ng maling mga akusasyon, pareho silang pinaghahampas ng mga pamalo at ipinatapon sa bilangguan. (Gawa 16:16-24) Gayunman, ang masaklap na karanasang iyon ay hindi naging dahilan para matakot si Pablo at huminto sa pangangaral. Nang dalawin niya ang Tesalonica, ang kasunod na lunsod na pinuntahan niya sa kaniyang paglalakbay bilang misyonero, ‘nag-ipon siya ng katapangan sa pamamagitan ng Diyos.’ (1 Tes. 2:2) Kitang-kita nga natin sa halimbawa ni Pablo kung bakit ‘hindi tayo dapat manghimagod’!—Gal. 6:9.

3. Ano ang maaaring mga dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ng ilan na dating ayaw makinig sa atin?

3 Maraming indibiduwal na dating ayaw makinig sa ating mensahe ang nagbago na ng pananaw ngayon. Ang pagbagsak ng ekonomiya, pagkakasakit, pagkamatay ng mahal sa buhay, o ang mga balita tungkol sa nakababagabag na mga pangyayari sa daigdig ay maaaring mga dahilan ng pagbabagong ito. (1 Cor. 7:31) Ang ilan na hinahadlangan noon ng kanilang mga magulang na makarinig ng mabuting balita ay mga adulto na ngayon at handa nang makinig sa atin. Ang patuloy nating pangangaral ay nagbibigay ng pagkakataon sa gayong mga indibiduwal na ‘tumawag sa pangalan ni Jehova’ bago maging huli ang lahat.—Roma 10:13.

4. Ano ang nag-uudyok sa atin na magpatuloy sa ministeryo nang “walang humpay”?

4 “Walang Humpay”: Gaya ng nadama ng mga apostol noong unang siglo, ang pag-ibig natin sa Diyos at sa ating kapuwa ang mag-uudyok sa atin na magpatuloy nang “walang humpay” sa ating pangangaral at paggawa ng alagad. (Gawa 5:42) Marami ang “nagbubuntunghininga at dumaraing dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay” na nagaganap sa ngayon. (Ezek. 9:4) Ano ngang laking pag-asa at ginhawa para sa gayong mga tao na marinig ang mabuting balita! Kahit ayaw makinig ng karamihan sa mga tao, tinitiyak sa atin ng Bibliya na nalulugod si Jehova sa ating mga pagsisikap.—Heb. 13:15, 16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share