Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/07 p. 4
  • Kung Bakit Patuloy Tayong Bumabalik

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Patuloy Tayong Bumabalik
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • “Nagawa na Namin ang Aming Teritoryo Nang Maraming Beses!”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Huwag Magsawa sa Paggawa ng Mabuti
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Bakit Patuloy Pang Mangangaral?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Bakit Tayo Patuloy na Bumabalik?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 7/07 p. 4

Kung Bakit Patuloy Tayong Bumabalik

1. Anong tanong ang bumabangon may kaugnayan sa ating pangangaral?

1 Sa maraming lugar, madalas nating nakukubrehan ang ating teritoryo. Patuloy tayong bumabalik sa mga bahay ring iyon, bagaman maaaring sinabihan na tayo ng may-bahay na hindi siya interesado. Bakit patuloy nating dinadalaw ang mga hindi nagpakita ng interes noon?

2. Ano ang pangunahing dahilan ng pagtitiyaga natin sa ministeryo?

2 Pag-ibig kay Jehova at sa mga Tao: Ang pag-ibig natin kay Jehova ang pangunahing dahilan ng pagtitiyaga natin sa ministeryo. Pinakikilos tayo ng ating puso na patuloy na sabihin sa iba ang tungkol sa ating dakilang Diyos. (Luc. 6:45) Inuudyukan tayo ng ating pag-ibig kay Jehova na sundin ang kaniyang mga utos at tulungan ang iba na gawin din iyon. (Kaw. 27:11; 1 Juan 5:3) Ang pagbabata natin nang may katapatan sa gawaing ito ay hindi nakadepende sa tugon ng mga tao. Kahit na pinag-usig ang mga Kristiyano noong unang siglo, nagpatuloy sila “nang walang humpay.” (Gawa 5:42) Kapag ayaw makinig ng mga tao, sa halip na panghinaan tayo ng loob, nananatili tayong matatag at ipinakikita natin ang tindi ng ating pag-ibig at debosyon kay Jehova.

3. Paano tutulong sa atin ang pag-ibig sa mga tao upang patuloy na mangaral?

3 Nagtitiyaga rin tayo dahil iniibig natin ang ating kapuwa. (Luc. 10:27) Ayaw ni Jehova na mapuksa ang sinuman. (2 Ped. 3:9) Kahit na sa teritoryong madalas gawin, nakasusumpong pa rin tayo ng mga gustong maglingkod kay Jehova. Halimbawa, sa Guadeloupe, kung saan 1 sa bawat 56 katao ay isang Saksi ni Jehova, 214 ang nabautismuhan noong nakaraang taon. Halos 20,000 ang dumalo sa Memoryal, mga 1 sa bawat 22 katao sa Guadeloupe!

4. Sa anu-anong paraan nagbabago ang mga teritoryo?

4 Mga Pagbabago sa Teritoryo: Palaging nagbabago ang mga tao sa ating teritoryo. Sa susunod na pagdalaw natin sa pamilya na hindi interesado, baka ibang miyembro naman ng pamilya—marahil ay isa na hindi pa kailanman nakarinig ng ating mensahe—ang magbukas ng pinto at makinig. O baka iba na ang mga nakatira dito at sila ay interesado. Ang mga anak na may salansang na mga magulang ay lumalaki at bumubukod na ng bahay. Maaaring interesado silang makinig sa mensahe ng Kaharian.

5. Ano ang maaaring mag-udyok sa mga tao na tanggapin ang mensahe?

5 Nagbabago rin ang mga tao. Si apostol Pablo ay dating “isang mamumusong at isang mang-uusig at isang taong walang pakundangan.” (1 Tim. 1:13) Sa katulad na paraan, maraming naglilingkod kay Jehova ngayon ang dating hindi interesado sa katotohanan. Maaaring sinalansang pa nga ng ilan noon ang mabuting balita. Habang nagbabago ang mga kalagayan sa daigdig, baka maudyukang makinig ang ilang sumasalansang o mga nagwawalang-bahala. Dahil sa naranasang trahedya, gaya ng kamatayan sa pamilya, pagkawala ng trabaho, problema sa pananalapi, o sa kalusugan, maaaring tanggapin ng iba ang mensahe.

6. Bakit dapat tayong patuloy na mangaral nang masigasig?

6 Malapit nang magwakas ang sistemang ito ng mga bagay, kaya ang ating gawaing pangangaral at pagtuturo ay pinabibilis. (Isa. 60:22) Dahil dito, patuloy tayong nangangaral nang masigasig at nagsisikap na mapanatili ang positibong saloobin. Baka makinig ang susunod na indibiduwal na makakausap natin. Kailangang patuloy tayong magsalita! ‘Sa paggawa nito ay ililigtas natin kapuwa ang ating sarili at yaong mga nakikinig sa atin.’—1 Tim. 4:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share