Ginagamit Mo ba ang Pabalat sa Likod?
Kapag kumukuha ng magasin ang mga tao, karaniwan nang tinitingnan nila ang pabalat sa harap at agad bumabaling sa pabalat sa likod. Ang pabalat sa likod ng edisyong pampubliko ng Ang Bantayan ay may nakapupukaw-interes na mga tanong at pangungusap kasama ang pahina kung saan matatagpuan ang impormasyon.
Magagamit natin ang mga ito sa ating pambungad. Kapag malimit na ginagawa ang teritoryo, maaari tayong gumamit ng iba’t ibang tanong para iba-iba ang ating presentasyon sa buong buwan. Kapag abala ang may-bahay, mapaiikli natin ang ating presentasyon kung ipakikita natin ang isa sa mga tanong sa pabalat sa likod at sabihing, “Kung gusto ninyong malaman ang sagot, puwede kong iwan ang mga magasing ito at pag-usapan natin kapag may panahon na kayo.” Ipinapakita naman ng ilang mamamahayag sa may-bahay, bilang pambungad, ang pabalat sa likod at pinapipili siya ng mga tanong kung saan siya interesado. Pagkatapos ay ituturo nila kung saan makikita ang sagot at saka babasahin ang tekstong patiuna nilang inihanda. Baka may maisip ka pang ibang paraan kung paano gagamitin ang pabalat sa likod upang pasiglahin ang iba na magbasa ng Ang Bantayan.