Tanong
◼ Dapat bang manalangin kapag nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa may pintuan?
Maraming pakinabang sa pananalangin bago at pagkatapos ng isang pag-aaral sa Bibliya. Sa pamamagitan ng panalangin, hinihingi natin kay Jehova ang kaniyang banal na espiritu. (Luc. 11:13) Idiniriin din nito sa ating estudyante ang pagiging seryoso ng pag-aaral sa Bibliya at tinuturuan siya kung paano mananalangin. (Luc. 6:40) Kaya makabubuting pasimulan nang manalangin kahit ilang beses pa lang idinaraos ang pag-aaral. Yamang iba’t iba naman ang mga kalagayan, alamin ng nagtuturo kung dapat bang manalangin kapag nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa may pintuan.
Isang mahalagang salik na dapat isaalang-alang ay kung saan ba nag-aaral. Kung ito ay sa pribadong lugar, maaaring simulan at tapusin ang pag-aaral sa isang maikling panalangin. Pero kung ito ay makatatawag-pansin sa mga nakatingin o makaaasiwa sa estudyante, makabubuting maghintay hanggang sa maisagawa ito sa mas pribadong lugar. Saanman tayo nag-aaral, dapat nating pag-isipan kung kailan angkop na ipaliwanag at pasimulan ang pananalangin sa pag-aaral.—Tingnan ang Abril 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.