Sinasamantala Mo ba ang Pagtuturo at Pagsasanay na Inilalaan ni Jehova?
1. Ano ang saloobin ni Jehova tungkol sa edukasyon?
1 Gusto ni Jehova, ang ating “Dakilang Tagapagturo,” na turuan tayo. (Isa. 30:20) Nagsimula siyang magturo matapos niyang lalangin ang panganay niyang Anak. (Juan 8:28) Matapos magrebelde si Adan, hindi huminto si Jehova sa pagtuturo, kundi maibigin siyang nagturo sa di-sakdal na mga tao.—Isa. 48:17, 18; 2 Tim. 3:14, 15.
2. Anong programa ng pagtuturo ang isinasagawa ngayon?
2 Pinangangasiwaan ni Jehova ngayon ang pinakamalawak na programa ng pagtuturo sa kasaysayan. Gaya ng inihula ni Isaias, milyun-milyon sa buong daigdig ang humuhugos sa makasagisag na “bundok ng bahay ni Jehova.” (Isa. 2:2) Bakit dapat tayong pumaroon? Para maturuan ng mga daan ni Jehova! (Isa. 2:3) Noong 2010 taon ng paglilingkod, ang mga Saksi ni Jehova ay gumugol ng mahigit 1.6 bilyong oras sa pagpapatotoo at pagtuturo sa mga tao ng katotohanang nasa Bibliya. Karagdagan pa, may pagtuturo linggu-linggo hinggil sa espirituwal na mga bagay sa mahigit na 105,000 kongregasyon sa buong lupa, at naglilimbag ang tapat at maingat na alipin ng nakapagtuturong mga salig-Bibliyang publikasyon sa mahigit 500 wika.
3. Paano ka personal na nakinabang sa pagtuturo ni Jehova?
3 Makinabang Nang Lubos: Talagang nakikinabang tayo sa pagtuturo ni Jehova! Natutuhan natin na may pangalan ang Diyos at na nagmamalasakit siya sa atin. (Awit 83:18; 1 Ped. 5:6, 7) Nalaman natin ang sagot sa ilang napakahalagang mga tanong sa buhay: Bakit naghihirap at namamatay ang tao? Paano ako magiging tunay na masaya? Ano ang layunin ng buhay? Binigyan din tayo ni Jehova ng patnubay sa moral para maging ‘matagumpay ang ating lakad.’—Jos. 1:8.
4. Ano ang ilang programa sa edukasyon na bukás sa mga lingkod ng Diyos, at bakit dapat nating samantalahing matuto nang lubos mula kay Jehova?
4 Bukod diyan, naglalaan si Jehova ng mga pantanging pagtuturo at pagsasanay para matulungan ang maraming lingkod niya na mapalawak ang kanilang paglilingkod sa kaniya. Nakatala sa pahina 4-6 ang iba’t-ibang programa na maaaring samantalahin ng ilan. Kahit na wala tayo sa kalagayang tumanggap ng pagsasanay mula sa mga programang nakatala, sinasamantala ba natin ang espirituwal na pagtuturo at pagsasanay na bukas sa atin? Pinasisigla ba natin ang mga kabataan, na kadalasa’y hinihimok ng mga guro at ng iba pa na kumuha ng mataas na edukasyon sa sanlibutan, na umabót ng espirituwal na mga tunguhin at itaguyod ang pinakamataas na edukasyon na si Jehova ang tagapagturo? Kung sinasamantala nating matuto nang lubos mula kay Jehova, magkakaroon tayo ng maligayang buhay ngayon at ng walang-hanggang buhay sa hinaharap.—Awit 119:105; Juan 17:3.
Mga Pagtuturo at Pagsasanay sa Loob ng Organisasyon ni Jehova
Mga Klase sa Pagbasa at Pagsulat
• Layunin: Turuan ang mga tao na bumasa at sumulat upang mapag-aralan nila ang kanilang Bibliya at maituro sa iba ang katotohanan.
• Gaano Katagal: Ayon sa pangangailangan.
• Lugar: Lokal na Kingdom Hall.
• Sino ang Puwedeng Mag-aral: Lahat ng mamamahayag at mga interesado.
• Paano Mag-aaplay: Nagsasaayos ang mga elder ng mga klase sa pagbasa at pagsulat ayon sa lokal na pangangailangan, at hinihimok nilang mag-aral ang lahat ng maaaring makinabang dito.
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
• Layunin: Sanayin ang mga mamamahayag na maging mabisang mangangaral at guro ng mabuting balita.
• Gaano Katagal: Patuluyan.
• Lugar: Lokal na Kingdom Hall.
• Sino ang Puwedeng Magpatala: Lahat ng mamamahayag. Pati ang iba na aktibong nakikisama sa kongregasyon, sumasang-ayon sa mga turo sa Bibliya, at namumuhay kaayon sa mga simulaing Kristiyano.
• Paano Mag-aaplay: Makipag-usap sa tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
Foreign-Language Class
• Layunin: Turuan ang mga mamamahayag na mangaral ng mabuting balita sa ibang wika.
• Gaano Katagal: Apat o limang buwan. Karaniwang ginaganap tuwing Sabado ng umaga, mga isa o dalawang oras.
• Lugar: Karaniwan nang sa isang malapit na Kingdom Hall.
• Sino ang Maaaring Magpatala: Mga mamamahayag na may mabuting katayuan at gustong mangaral sa banyagang wika.
• Paano Mag-aaplay: Isinasaayos ng tanggapang pansangay ang mga klase ayon sa pangangailangan.
Pagtatayo ng Kingdom Hall
• Layunin: Magtayo at mag-renovate ng mga Kingdom Hall. Hindi ito isang paaralan, pero sa kaayusang ito, tinuturuan ang mga boluntaryo ng iba’t ibang kasanayan para makatulong sila sa mga proyekto ng pagtatayo.
• Gaano Katagal: Ayon sa kalagayan ng boluntaryo.
• Lugar: Alinmang dako na sakop ng Kingdom Hall Construction Desk’s Regional Office. Maaaring anyayahan ang ilang boluntaryo na tumulong sa relief work sa malayong lugar na sinalanta ng kalamidad.
• Kuwalipikasyon: Dapat na bautisadong lalaki o babae at sinang-ayunan ng lupon ng matatanda, may kasanayan man sila o wala.
• Paano Mag-aaplay: Punan ang Application for Kingdom Hall Construction Volunteer Program (A-25) form na manggagaling sa tagapangasiwa ng sirkito o maaaring hilingin sa tanggapang pansangay.
Pioneer Service School
• Layunin: Tulungan ang mga payunir na ‘lubusang ganapin ang kanilang ministeryo.’—2 Tim. 4:5.
• Gaano Katagal: Dalawang linggo.
• Lugar: Tanggapang pansangay ang nagpapasiya; kadalasan nang sa malapit na Kingdom Hall.
• Kuwalipikasyon: Regular pioneer sa loob ng di-kukulanging isang taon.
• Paano Mag-eenrol: Ang mga kuwalipikadong payunir ay naka-enrol na at ipinaaalam ito sa kanila ng tagapangasiwa ng sirkito.
Bethel Entrants’ School
• Layunin: Ang paaralang ito ay tumutulong sa mga bagong Bethelite na maging matagumpay sa paglilingkod sa Bethel.
• Gaano Katagal: Isang oras bawat linggo sa loob ng labing-anim na linggo.
• Lugar: Bethel.
• Kuwalipikasyon: Dapat na permanenteng miyembro ng pamilyang Bethel o isang long-term temporary volunteer (isang taon o higit pa).
• Paano Mag-eenrol: Ang mga kuwalipikadong miyembro ng pamilyang Bethel ay naka-enrol na.
Kingdom Ministry School
• Layunin: Sanayin ang mga elder at ministeryal na lingkod na asikasuhin ang pinangangasiwaan nilang mga pananagutan sa organisasyon. (Gawa 20:28) Ang paaralang ito ay ginaganap tuwing ilang taon ayon sa pasiya ng Lupong Tagapamahala.
• Gaano Katagal: Nitong nakaraang mga taon, ito ay isa at kalahating araw para sa mga elder at isang araw para sa mga ministeryal na lingkod.
• Lugar: Kadalasan nang sa malapit na Kingdom Hall o Assembly Hall.
• Kuwalipikasyon: Dapat na isang elder o ministeryal na lingkod.
• Paano Mag-eenrol: Inaanyayahan ng tagapangasiwa ng sirkito ang mga kuwalipikadong elder at ministeryal na lingkod.
School for Congregation Eldersa
• Layunin: Tulungan ang mga elder kung paano aasikasuhin ang kanilang mga pananagutan sa kongregasyon.
• Gaano Katagal: Limang araw.
• Lugar: Tanggapang pansangay ang nagpapasiya; kadalasan nang sa isang malapit na Kingdom Hall o Assembly Hall.
• Kuwalipikasyon: Dapat na isang elder.
• Paano Mag-eenrol: Inaanyayahan ng tanggapang pansangay ang mga kuwalipikadong elder.
School for Traveling Overseers and Their Wivesb
• Layunin: Tulungan ang mga tagapangasiwa ng sirkito at distrito na maging higit na epektibo sa paglilingkod sa mga kongregasyon at sa ‘pagpapagal sa pagsasalita at pagtuturo’ at sa pagpapastol sa mga nasa kanilang pangangalaga.—1 Tim. 5:17; 1 Ped. 5:2, 3.
• Gaano Katagal: Dalawang buwan.
• Lugar: Tanggapang pansangay ang nagpapasiya.
• Kuwalipikasyon: Dapat na isang tagapangasiwa ng sirkito o distrito.
• Paano Mag-eenrol: Inaanyayahan ng tanggapang pansangay ang kuwalipikadong mga naglalakbay na tagapangasiwa at ang kanilang asawa.
Bible School for Single Brothersc
• Layunin: Ihanda ang mga elder at ministeryal na lingkod na walang asawa na bumalikat ng karagdagang mga pananagutan. Karamihan sa mga magtatapos ay aatasang maglingkod kung saan may pangangailangan sa kanilang bansa. May ilan na maaaring atasan sa ibang bansa kung sila ay handa.
• Gaano Katagal: Dalawang buwan.
• Lugar: Tanggapang pansangay ang nagpapasiya; kadalasan nang sa isang Assembly Hall o Kingdom Hall.
• Kuwalipikasyon: Dapat na mga brother na walang asawa, edad 23 hanggang 62, may mabuting kalusugan at gustong maglingkod sa mga kapatid at para sa kapakanan ng Kaharian saanman may pangangailangan. (Mar. 10:29, 30) Dapat na patuluyan silang naglilingkod sa kanilang pribilehiyo nang hindi bababa sa dalawang taon.
• Paano Mag-aaplay: Kung may ganitong paaralan sa teritoryo ng inyong sangay, isang miting para sa mga interesadong mag-enrol ang idinaraos sa pansirkitong asamblea. Higit pang impormasyon ang ibinibigay sa miting na ito.
Bible School for Christian Couplesd
• Layunin: Bigyan ng pantanging pagsasanay ang mga mag-asawa upang lubusan silang magamit ni Jehova at ng kaniyang organisasyon. Karamihan sa mga magtatapos ay aatasang maglingkod kung saan may higit na pangangailangan sa kanilang bansa. May ilan na maaaring atasan sa ibang bansa kung puwede sila.
• Gaano Katagal: Dalawang buwan.
• Lugar: Ang unang mga klase ay ginaganap sa Watchtower Educational Center sa Patterson, New York, U.S.A. Pagkatapos, gaganapin ang paaralang ito sa mga lugar na ipinasiya ng tanggapang pansangay, karaniwan nang sa Assembly Hall o Kingdom Hall.
• Kuwalipikasyon: Mga mag-asawang edad 25 hanggang 50, malusog at nasa kalagayang maglingkod kung saan may pangangailangan at may saloobin: “Narito ako! Isugo mo ako.” (Isa. 6:8.) Bukod diyan, dapat ay kasal sila sa loob ng di-kukulanging dalawang taon at kasalukuyang nasa buong-panahong paglilingkod nang di-kukulangin sa dalawang taóng tuluy-tuloy.
• Paano Mag-aaplay: Kung may ganitong paaralan sa teritoryo ng inyong sangay, isang miting para sa mga interesadong mag-enrol ang idinaraos sa araw ng pantanging asamblea. Higit pang impormasyon ang ibinibigay sa miting na ito.
Watchtower Bible School of Gilead
• Layunin: Sanayin ang mga payunir at iba pang nasa buong-panahong paglilingkod na maging misyonero.
• Gaano Katagal: Limang buwan.
• Lugar: Watchtower Educational Center, Patterson, New York, U.S.A.
• Kuwalipikasyon: Mga mag-asawa na tatlong taon nang bautisado, edad 21 hanggang 38 noong ibigay nila ang kanilang unang aplikasyon. Dapat na marunong silang magsalita ng Ingles, kasal sa loob ng di-kukulanging dalawang taon, at nasa buong-panahong paglilingkod nang di-kukulangin sa dalawang taóng tuluy-tuloy. Ang mga aplikante ay dapat na malusog. Ang mga payunir na naglilingkod sa ibang bansa (pati mga misyonero); mga naglalakbay na tagapangasiwa; mga miyembro ng pamilyang Bethel; at ang mga nagtapos sa Ministerial Training School, sa Bible School for Single Brothers, at sa Bible School for Christian Couples ay maaari ding mag-aplay kung kuwalipikado sila.
• Paano Mag-aaplay: Sa pilíng mga sangay, may miting na idinaraos para sa mga interesado sa paaralang ito sa pandistritong kombensiyon. Higit pang impormasyon ang ibinibigay sa miting na ito. Kung walang ganitong miting sa mga kombensiyon sa inyong bansa ngunit gusto mong mag-aplay, maaari kang sumulat sa inyong tanggapang pansangay para sa higit pang impormasyon.
School for Branch Committee Members and Their Wives
• Layunin: Tulungan ang mga naglilingkod sa Komite ng Sangay na magampanan nang mas mahusay ang pangangasiwa sa mga tahanang Bethel, pag-aasikaso sa mga gawaing paglilingkod na may kinalaman sa mga kongregasyon, at pangangasiwa sa mga sirkito at mga distrito sa kani-kanilang teritoryo, gayundin sa pagsasalin, paglilimbag, at pagpapadala ng mga literatura at pangangasiwa sa iba’t ibang departamento.—Luc. 12:48b.
• Gaano Katagal: Dalawang buwan.
• Lugar: Watchtower Educational Center, Patterson, New York, U.S.A.
• Kuwalipikasyon: Mga inatasang miyembro ng Komite ng Sangay o Komite ng Bansa.
• Paano Mag-eenrol: Inaanyayahan ng Lupong Tagapamahala ang kuwalipikadong mga brother at ang kanilang asawa.
[Mga talababa]
a Hindi lahat ng bansa ay may ganitong paaralan.
b Hindi lahat ng bansa ay may ganitong paaralan.
c Hindi lahat ng bansa ay may ganitong paaralan.
d Hindi lahat ng bansa ay may ganitong paaralan.