Isang Kampanyang Nagbubunga
Tatlong linggo bago magsimula ang kombensiyon, ang mga kongregasyon ay muling makikibahagi sa isang kampanya para imbitahan ang mga tao sa kanilang teritoryo na dumalo rito. Nagbubunga ba ang ating kampanya kahit na kailangang maglakbay nang malayo ang mga interesado patungo sa kombensiyon?
Pagkatapos ng isang kamakailang kombensiyon, isang tanggapang pansangay ang nakatanggap ng liham mula sa isang babae na nakakita ng imbitasyon sa kaniyang pinto. Karaniwan nang nagtatago siya sa mga Saksi ni Jehova kapag dumadalaw ang mga ito. Sinabi niya: “Maganda ang bahay ko, mabait ang asawa ko, at sa tingin ko, nasa akin na ang lahat para maging masaya. Pero ang totoo, hindi ako masaya at walang layunin ang buhay ko. Kaya nagmaneho ako nang 320 kilometro para dumalo ng programa sa Sabado.” Nasiyahan siya sa kombensiyon kaya tinawagan niya ang asawa niya para sabihing hindi siya makauuwi dahil dadalo uli siya sa Linggo. “Nakinig ako sa lahat ng pahayag, marami akong nakilalang Saksi ni Jehova, at naisip ko na ayoko nang matapos ang karanasang ito.” Kaya pagkauwi niya, nakipag-aral siya ng Bibliya at pagkalipas ng apat na buwan ay naging di-bautisadong mamamahayag. “Buti na lang, nakita ko ang imbitasyon sa pinto ko dahil ngayon, may layunin na ang buhay ko!”
Tiyak na dadalo ang ilang makatatanggap ng imbitasyon. Kaya maging masigasig sa pakikibahagi sa mahalagang kampanyang ito. Dalhin ang natirang imbitasyon sa lugar ng kombensiyon, at gamitin ito para magpatotoo nang di-pormal.
[Kahon sa pahina 5]
Paano Natin Iaalok ang Imbitasyon?
Maaari nating sabihin: “Kumusta? Gaya ng ginagawa sa buong daigdig, namamahagi kami ng imbitasyong ito. Heto ang kopya n’yo. Mababasa n’yo sa imbitasyon ang ibang mga detalye.” Maging masigla. Kapag namamahagi nito sa mga dulong sanlinggo, dapat ding ialok ang mga magasin kung posible.