Gamitin ang mga Video sa Pagtuturo
Nang magbigay si Jehova ng mahalagang impormasyon kina Abraham at Jeremias, hindi lang siya basta nagsalita, gumamit din siya ng mga bagay na nakikita para mas maunawaan nila ang kaniyang mensahe. (Gen. 15:5; Jer. 18:1-6) Matutulungan natin ang ating mga Bible study na maunawaan at mapahalagahan ang mga katotohanan sa Bibliya kung mabisa tayong gagamit ng mga visual aid, gaya ng ating mga video. Narito ang ilang mungkahi kung kailan maaaring panoorin ng Bible study ang ilan sa mga video. Tandaan na mga mungkahi lang ang mga ito, yamang iba-iba ang kakayahan ng bawat estudyante.
Aklat na Itinuturo ng Bibliya
◻ Kabanata 1: Pagkatapos ng parapo 17, panoorin ang The Wonders of Creation Reveal God’s Glory
◻ Kabanata 2: Sa katapusan ng kabanata, panoorin ang The Bible—Mankind’s Oldest Modern Book
◻ Kabanata 9: Pagkatapos ng parapo 14, panoorin ang Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News
◻ Kabanata 14: Sa katapusan ng kabanata, panoorin ang The Bible—Its Power in Your Life
◻ Kabanata 15: Pagkatapos ng parapo 10, panoorin ang Our Whole Association of Brothers
Aklat na “Pag-ibig ng Diyos”
◻ Kabanata 3: Pagkatapos ng parapo 15, panoorin ang Young People Ask—How Can I Make Real Friends?
◻ Kabanata 4: Sa katapusan ng kabanata, panoorin ang Respect Jehovah’s Authority
◻ Kabanata 7: Pagkatapos ng parapo 12, panoorin ang No Blood—Medicine Meets the Challenge
◻ Kabanata 9: Pagkatapos ng parapo 6, panoorin ang Warning Examples for Our Day
◻ Kabanata 17: Sa katapusan ng kabanata, panoorin ang Lumakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya Hindi sa Pamamagitan ng Paningin
May iba pa bang video na makatutulong sa Bible study mo? Halimbawa, kung sinasalansang siya, puwede siyang mapatibay ng video na Faithful Under Trials—Jehovah’s Witnesses in the Soviet Union o Jehovah’s Witnesses Stand Firm Against Nazi Assault. Puwedeng makinabang ang mga kabataan sa video na Pursue Goals That Honor God at Young People Ask—What Will I Do With My Life? Maglagay ng palatandaan sa iyong aklat na Itinuturo ng Bibliya at Pag-ibig ng Diyos para maalala mo kung kailan ninyo puwedeng panoorin ang video. Maaari ding ipahiram mo na lang ito sa kaniya. Tuwing may bagong labas na video, isipin kung paano mo ito magagamit para maantig ang puso ng Bible study mo.—Luc. 24:32.