Itampok ang Isang Paksa, Pero Iwan ang Dalawang Magasin
Maraming interesanteng paksa sa bawat pares ng ating magasin. Sa halip na magharap ng maraming paksa sa iyong kausap, mas magandang pumili lang ng isa. Kung mapagmasid tayo at pamilyar sa nilalaman ng mga magasin, makapipili tayo ng paksa mula sa Bantayan o Gumising! na makakakuha ng interes ng may-bahay. Halimbawa, kung may nakita tayong laruan sa loob o sa paligid ng bahay, puwede nating itampok ang isang artikulo tungkol sa buhay pampamilya. Kung lalaki naman ang kausap natin, puwede nating iharap ang paksang karaniwan nang gustong pag-usapan ng mga lalaki, gaya ng mahusay na gobyerno. Bagaman isang paksa lang ang itatampok natin, kadalasan nang mas magandang iwan ang dalawang magasin kapag nagpakita ng interes ang may-bahay.