Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paghahanda ng Pambungad
Kung Bakit Mahalaga: Kung hindi nakakapukaw ng interes ang ating pambungad, baka putulin agad ng may-bahay ang pag-uusap. Kaya para sa maraming mamamahayag, ang pambungad ang pinakamahalagang bahagi ng kanilang presentasyon. May mga sampol na presentasyon sa Ating Ministeryo sa Kaharian at aklat na Nangangatuwiran, pero hindi laging buo ang introduksyon para mai-adjust natin ito sa ating kausap. Kahit kumpleto ang sampol na presentasyon, puwede itong i-adjust ng mamamahayag o puwede siyang maghanda ng sariling presentasyon. Magiging mas epektibo tayo kung paghahandaan nating mabuti ang ating pambungad kaysa sabihin kung ano lang ang maisip natin kapag kaharap na ang may-bahay.—Kaw. 15:28.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Isama sa pampamilyang pagsamba ang paghahanda at pagpapraktis ng mga pambungad.
Kapag nasa ministeryo, sabihin sa ibang mamamahayag ang plano mong pambungad. (Kaw. 27:17) Baguhin iyon kapag hindi epektibo.