Ihayag ang Katotohanan Tungkol kay Jesus Nang May Sigasig
Mas magiging masigasig tayo kapag alam natin kung paano ibabahagi sa iba ang katotohanan tungkol kay Jesus. Siya ang pundasyong batong-panulok na pinagtayuan ng tunay na pananampalataya. (Efe. 2:20) Kung hindi dahil sa kaniya, wala tayong pag-asa para sa buhay. (Gawa 4:12) Kaya mahalagang kilalanin ng lahat ang posisyon ni Jesus sa layunin ng Diyos. Marami na ang nailigaw ng mga maling doktrina. Nakalulungkot, baka hindi sila makatanggap ng mga pagpapalang ipinangako ng Diyos para sa mga nananampalataya kay Jesus. Ang ating sigasig para sa katotohanan ay mag-uudyok sa atin na tulungan ang tapat-pusong mga tao na malaman ang katotohanan tungkol kay Jesus, sa kaniyang kaugnayan sa Diyos, at sa kaniyang papel sa layunin ng Diyos. Sa panahong ito ng Memoryal, masigasig mo bang ihahayag ang katotohanan tungkol kay Jesus?