Naghahanda Ka Ba Para sa Memoryal?
Gabi noon ng Nisan 13, 33 C.E. Alam ni Jesus na iyon na ang huling pagkakataong makakasama niya ang pinakamatatalik niyang kaibigan bago siya patayin. Ipagdiriwang niya ang huling Paskuwa kasama sila at pasisimulan ang isang bagong pagdiriwang, ang Hapunan ng Panginoon. Tiyak na kailangan ang paghahanda para sa napakaimportanteng okasyong ito. Kaya isinugo niya sina Pedro at Juan para maghanda. (Luc. 22:7-13) Mula noon, ang mga Kristiyanong nagnanais magdiwang ng Memoryal ay kailangang maghanda para sa okasyong ito taon-taon. (Luc. 22:19) Anong mahahalagang bagay ang dapat nating gawin bilang paghahanda sa dumarating na Memoryal sa Abril 3?
Paghahandaan ng mga Mamamahayag:
Isaayos na makibahagi nang husto sa pagbibigay ng imbitasyon sa Memoryal.
Gumawa ng listahan ng mga Bible study, kamag-anak, kamag-aral, katrabaho, at iba pang kakilala, at imbitahan sila.
Basahin at bulay-bulayin ang mga nakaiskedyul na pagbasa sa Bibliya sa Memoryal.
Dumating nang maaga sa Memoryal para mabati ang mga dumarating na panauhin.