Gamitin ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa Iyong Ministeryo
Nitong nakaraang taon ng araw ng pantanging asamblea, ipinahayag ng tagapangasiwa ng sirkito ang paksang “Gamitin ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa Iyong Ministeryo.” Idiniin niya ang kahalagahan ng pagbasa ng mga teksto mula mismo sa Bibliya. Natatandaan mo pa ba ang mga pangunahing punto?
Bakit mas makapangyarihan ang salita ni Jehova kaysa sa ating salita?—2 Tim. 3:16, 17.
Paanong ang Bibliya ay pumupukaw ng emosyon, humuhubog ng kaisipan, at dumadalisay ng motibo?—Tingnan ang Bantayan, Hunyo 15, 2012, p. 27, par. 7.
Kapag binabasa natin ang teksto sa ating kausap sa ministeryo, paano natin maaakay ang kaniyang pansin sa Salita ng Diyos sa paraang igagalang niya ito?—Tingnan ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 148, par. 3-4 at ang Marso 2013 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 6, par. 8.
Bakit mahalagang ipaliwanag ang mga tekstong binabasa natin, at mangatuwiran tungkol doon? Paano natin ito magagawa?—Gawa 17:2, 3; tingnan ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 154, par. 4 hanggang p. 156, par. 5.