Kung Paano Magpapasimula ng mga Pag-aaral sa Aklat na Itinuturo ng Bibliya
Marami sa atin ang masisiyahang magdaos ng pag-aaral sa Bibliya basta mapasimulan lamang natin ang pag-aaral. Makatutulong sa atin ang bagong aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Ang paunang salita sa pahina 3-7 ay dinisenyo upang isangkot ang may-bahay sa talakayan sa Bibliya gamit ang publikasyon. Masusumpungan maging ng mga mamamahayag na kaunti pa lamang ang karanasan sa ministeryo na madali itong gamitin sa pagpapasimula ng mga pag-aaral.
◼ Maaari mong subukin ang pamamaraang ito gamit ang pahina 3:
Pagkatapos banggitin ang isang balita o problema na ikinababahala ng mga tao sa inyong teritoryo, akayin ang pansin ng may-bahay sa mga tanong na nakalimbag sa makakapal na tipo sa pahina 3, at hilingan siyang magkomento. Pagkatapos ay buklatin ang pahina 4-5.
◼ O baka mas gusto mong magsimula sa pagtatampok ng pahina 4-5:
Maaari mong sabihin, “Hindi ba kapana-panabik kapag aktuwal na nangyari ang mga pagbabagong inilarawan dito?” O maaari kang magtanong, “Alin sa mga pangakong ito ang gusto mong mangyari?” Makinig nang mabuti sa sagot.
Kung magpakita ang may-bahay ng pantanging interes sa isa sa mga teksto, ipakita sa kaniya ang itinuturo ng Bibliya sa paksang iyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga parapo sa aklat na nagpapaliwanag sa tekstong iyon. (Tingnan ang kahon sa pahinang ito ng insert.) Talakayin ang materyal na parang nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Maaari itong gawin sa loob ng lima hanggang sampung minuto sa unang pagdalaw sa pintuan mismo.
◼ Ang isa pang paraan ay pagkomentuhin ang ating kausap gamit ang pahina 6:
Akayin ang pansin ng may-bahay sa mga tanong na nasa ibaba ng pahina, at itanong, “Napag-isipan mo na ba ang alinman sa mga tanong na ito?” Kung magpakita siya ng interes sa isa sa mga tanong, buklatin ang aklat sa mga parapo na sumasagot sa tanong. (Tingnan ang kahon sa pahinang ito ng insert.) Habang magkasama ninyong tinatalakay ang impormasyon, nagdaraos ka na ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Maaaring gamitin ang pahina 7 upang maitanghal ang pag-aaral sa Bibliya:
Basahin ang unang tatlong pangungusap sa pahina, saka buklatin ang kabanata 3 at itanghal ang pag-aaral gamit ang parapo 1-3. Isaayos na magbalik upang talakayin ang mga sagot sa tanong sa parapo 3.
◼ Kung paano isasaayos ang pagbabalik:
Sa katapusan ng unang pag-aaral, isaayos na ipagpatuloy ang pagtalakay. Maaari mong sabihin: “Sa loob lamang ng ilang minuto, nalaman natin ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa isang mahalagang paksa. Sa susunod, maaari nating talakayin [mag-iwan ng tanong na tatalakayin]. Puwede ba kitang balikan sa susunod na linggo sa ganito ring oras?”
Habang papalapit tayo nang papalapit sa itinakdang panahon ni Jehova, patuloy niya tayong inihahanda sa atas na dapat gawin. (Mat. 28:19, 20; 2 Tim. 3:17) Mabisa nating gamitin ang kahanga-hanga at bagong pantulong na ito sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.
[Kahon sa pahina 3]
Pagtalakay sa Kasulatan sa Pahina 4-5
◻ Apocalipsis 21:4 (p. 27-8, par. 1-3)
◻ Isaias 33:24; 35:5, 6 (p. 36, par. 22)
◻ Juan 5:28, 29 (p. 72-3, par. 17-19)
◻ Awit 72:16 (p. 34, par. 19)
Mga Sagot sa mga Tanong sa Pahina 6
◻ Bakit tayo nagdurusa? (p. 108-9, par. 6-8)
◻ Paano natin mahaharap ang mga kabalisahan sa buhay? (p. 184-5, par. 1-3)
◻ Paano magiging mas maligaya ang ating buhay pampamilya? (p. 143, par. 20)
◻ Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo? (p. 58-9, par. 5-6)
◻ Makikita pa kaya nating muli ang ating mga mahal sa buhay na namatay na? (p. 72-3, par. 17-19)
◻ Paano tayo makatitiyak na tutuparin ng Diyos ang kaniyang mga pangako para sa hinaharap? (p. 25, par. 17)