Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb16 Nobyembre p. 5
  • Kung Paano Magagamit ang Aklat na What Can the Bible Teach Us?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Magagamit ang Aklat na What Can the Bible Teach Us?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Tularan ang Dakilang Guro Kapag Ginagamit ang Aklat na Itinuturo ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Tulungan ang Iba na Sundin Kung Ano ang Itinuturo ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Aklat na Itinuturo ng Bibliya—Ang Ating Pangunahing Pantulong sa Pag-aaral ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
mwb16 Nobyembre p. 5

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Magagamit ang Aklat na What Can the Bible Teach Us?

Aklat na What Can the Bible Teach Us?

Magkapareho ang aklat na Teach Us (hindi isinalin sa Tagalog) at ang Itinuturo ng Bibliya. Pareho ang nilalaman ng dalawang aklat na ito, pati na ang pagkakaayos. Pero mas simple ang mga salita at lohika na ginamit sa aklat na Teach Us. Dinisenyo ito para sa mga taong nahihirapang unawain ang aklat na Itinuturo ng Bibliya sa wikang Ingles. Sa halip na apendise, mayroon itong endnote na naglalaman ng mga simpleng paliwanag sa ilang termino at ideyang nasa kabanata. Ang mga kabanata nito ay walang pambungad na mga tanong o kahon para sa repaso. Sa halip, sa bawat dulo ng kabanata, may sumaryo ng mga katotohanan sa Bibliya na ipinaliwanag sa kabanata. Gaya ng aklat na Itinuturo ng Bibliya, ang aklat na Teach Us ay puwedeng gamitin sa ministeryo anuman ang alok natin sa bawat buwan. Paano natin magagamit ang mga feature ng Teach Us kapag nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya?

Sumaryo ng kabanata sa aklat na Teach Us

SUMARYO: Para sa marami, karaniwan nang epektibo ang pagbabasa ng mga parapo at pagbabangon ng tanong kapag nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Pero paano kung ang estudyante ay hindi pamilyar sa wika o hindi gaanong mahusay magbasa? Sa ganitong sitwasyon, puwede mong gamitin ang aklat na Teach Us. May mga sumaryo sa bawat kabanata nito na puwede mong gamitin bilang basehan sa inyong pag-aaral. Maaari mong himukin ang iyong estudyante na personal na basahin ang buong kabanata. Kadalasan nang maituturo mo ang bawat katotohanan na nasa sumaryo sa loob ng 15 minuto. Dahil hindi kasama sa sumaryo ang mga detalye na makikita sa kabanata, mahalaga na maghandang mabuti anupat isinasaisip ang kakayahan at kalagayan ng estudyante. Kung gagamitin mo naman sa pag-aaral ang mga parapo, puwede mong gamitin ang sumaryo bilang repaso.

Endnote sa aklat na Teach Us

ENDNOTE: Ang mga termino at ideyang nasa endnote ng aklat na Teach Us ay nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng paglitaw ng mga ito sa kabanata. Maaaring magpasiya ang tagapagturo kung tatalakayin niya ang mga nasa endnote sa panahon ng pag-aaral.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share