Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Mayo p. 3
  • Handa Ka Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Handa Ka Ba?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Handa Ka Ba sa Likas na Kalamidad?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Handa Ka Ba Kung May Gulo sa Lipunan?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Ang Pakikibaka ng Tao Laban sa mga Sakuna
    Gumising!—1995
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Mayo p. 3
Isang pamilya na naghahanda ng emergency kit.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Handa Ka Ba?

Kung tamaan ng likas na sakuna ang lugar ninyo, handa ka ba? Ang mga lindol, bagyo, sunog, at mga pagbaha ay nangyayari nang biglaan at puwedeng maging mapaminsala. Isa pa, ang mga pag-atake ng terorista, kaguluhan, at epidemya ay puwedeng mangyari kahit saan nang walang babala. (Ec 9:11) Hindi natin dapat isiping imposible itong mangyari sa ating lugar.

Bawat isa sa atin ay dapat na gumawa ng makatuwirang paghahanda sa mga sakuna. (Kaw 22:3) Kahit nagbibigay ng tulong ang organisasyon ni Jehova sa panahon ng sakuna, pananagutan pa rin nating maging handa.​—Gal 6:5, tlb.

PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA LIKAS NA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Isang brother na nagbabasa ng Bibliya para patibayin ang kaugnayan niya sa Diyos bago ang sakuna.

    Paano makakatulong ang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan kay Jehova sa panahon ng sakuna?

  • Bakit mahalaga na . . .

    Isang emergency bag, contact information, at isang cell phone.
    • • panatilihin ang magandang komunikasyon sa mga elder bago, habang, at pagkatapos ng sakuna?

    • • maghanda ng emergency kit?​—g17.5 6

    • • pag-isipan ang mga sakunang puwedeng mangyari at alamin ang gagawin sa mga sitwasyong iyon?

  • Mga larawan: Mga paraan para matulungan ang iba kapag may sakuna. 1. Isang brother na nananalangin. 2. Mga boluntaryo na tumutulong sa disaster relief. 3. Isang brother na nagdo-donate sa Kingdom Hall.

    Ano ang tatlong paraan para makatulong tayo sa mga biktima ng sakuna?

GUSTO MO BANG MAGBOLUNTARYO?

Dumarami ang biktima ng sakuna, kaya maraming boluntaryo ang kailangan para matulungan sila. Kung gusto mong magboluntaryo, sabihin ito sa inyong mga elder.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share