Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Mayo p. 9
  • Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Handa Ka Ba?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Handa Ka Ba Kung May Gulo sa Lipunan?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Handa Ka Ba Kapag Nagkaroon ng Problema sa Ekonomiya?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Handa Ka Ba sa Likas na Kalamidad?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Mayo p. 9
Pamilyang nasa bahay na nagtatabi ng pagkain, tubig, at iba pang suplay para sa emergency.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”

Habang nagtitiis tayo sa dulo ng “mga huling araw,” inaasahan natin na lalo pang titindi ang mga problema. (2Ti 3:1; “matinding paghihirap” study note sa Mat 24:8, nwtsty) Kapag may sakuna, karaniwan nang nakakatanggap ang bayan ni Jehova ng napapanahon at nagliligtas na tagubilin. Makakaligtas tayo kung magiging masunurin tayo ngayon at maghahanda sa espirituwal at pisikal na paraan.​—Luc 16:10.

  • Maghanda sa espirituwal: Gumawa ng iskedyul at sundin ito. Subukan ang iba’t ibang paraan ng pangangaral. Huwag mag-panic kung pansamantala kang mapahiwalay sa mga kapatid. (Isa 30:15) Walang makakapaghiwalay sa iyo kay Jehova at kay Jesus.​—od 176 ¶15-17

  • Maghanda sa pisikal: Bukod sa go bag, ang bawat pamilya ay dapat magtabi ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangangailangan sakaling kailangan nilang manatili nang matagal-tagal sa isang lugar.​—Kaw 22:3; g17.5 4, 6

PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA LIKAS NA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena sa video na ‘Handa Ka Ba sa Likas na Sakuna?’ Brother na nagbabasa ng Bibliya.

    Bago magkaroon ng sakuna, paano tayo makakapaghanda sa espirituwal na paraan?

  • Eksena sa video na ‘Handa Ka Ba sa Likas na Sakuna?’ Makikita ang emergency kit, contact information, at mapa kung saan pupunta ang pamilya sakaling magkaroon ng emergency.

    Bakit dapat . . .

    • laging makipag-ugnayan sa mga elder?

    • maghanda ng emergency kit?

    • repasuhin ang iba’t ibang sakuna na puwedeng mangyari at kung ano ang gagawin sa bawat sitwasyon?

  • Eksena sa video na ‘Handa Ka Ba sa Likas na Sakuna?’ Collage: Mga paraan ng pagtulong sa mga naging biktima ng sakuna. 1. Brother na nananalangin para sa kanila. 2. Mga brother na tumutulong sa relief work. 3. Brother na nagdo-donate para sa pambuong-daigdig na gawain.

    Ano ang tatlong puwede nating gawin para makatulong sa mga naging biktima ng sakuna?

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Ano ang natutuhan ko sa COVID-19 pandemic tungkol sa pagiging handa?’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share