Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb23 Mayo p. 5
  • Handa Ka Ba Kapag Nagkaroon ng Problema sa Ekonomiya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Handa Ka Ba Kapag Nagkaroon ng Problema sa Ekonomiya?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Handa Ka Ba?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Jehosapat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Magtiwala kay Jehova Kapag Gumagawa ng mga Desisyon
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
mwb23 Mayo p. 5

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Handa Ka Ba Kapag Nagkaroon ng Problema sa Ekonomiya?

Hindi na tayo nagugulat kapag nagkakaroon ng problema sa ekonomiya dahil sa mga nangyayari sa mundo. Bakit? Kasi nasa pinakadulo na tayo ng mga huling araw at binababalaan tayo ng Bibliya na huwag umasa sa “kayamanan na walang katiyakan.” (1Ti 6:17; 2Ti 3:1) Ano ang matututuhan natin kay Haring Jehosapat tungkol sa pagiging handa kapag nagkaproblema sa ekonomiya?

Nang malaman ni Jehosapat na sasalakayin sila ng mga kalabang bansa, umasa siya kay Jehova. (2Cr 20:9-12) Gumawa rin siya ng praktikal na mga paraan para ihanda ang bayan. Pinatibay niya ang mga lunsod at naglagay ng mga himpilan. (2Cr 17:1, 2, 12, 13) Gaya ni Jehosapat, dapat din tayong umasa kay Jehova at paghandaan ang mahihirap na sitwasyon.

ANO ANG PUWEDE NATING GAWIN PARA MAGING HANDA KAPAG NAGKAROON NG PROBLEMA SA EKONOMIYA?

Patibayin ang espirituwalidad: Maging kontento at magtiwala na ilalaan ni Jehova ang mga pangangailangan natin sa araw-araw. (Mat 6:26; 1Ti 6:8) Huwag na huwag nating ikokompromiso ang mga prinsipyo sa Bibliya para lang sa mga pangangailangang iyon. (Ro 2:21) Isipin kung paano maa-access ang espirituwal na mga pagkain kapag nawalan ng kuryente o Internet. Magtabi ng ilang nakaimprentang publikasyon at kung posible, patiunang mag-download ng mga publikasyon.

Paghandaan ang pangangailangan sa materyal: Gumawa ng paraan para mabawasan ang utang at di-kinakailangang paggastos bago pa man magkaroon ng problema sa ekonomiya. (Kaw 22:7) Kung posible, magkaroon ng sapat na supply ng pagkain at iba pang pangangailangan. Para sa ilan, nagtatanim sila at nagpapatubo ng mga gulay para makatipid.

PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

Isang eksena sa videong “Handa Ka Ba sa Sakuna?” Makikita sa mga inset ang isang Bibliya, go bag at smartphone, at mga construction worker.
  • Ano ang puwede nating gawin para makapaghanda sa sakuna?

Isang eksena sa videong “Handa Ka Ba sa Sakuna?” Tumutulong ang mga brother sa pamamagitan ng gawaing pagtatayo at sa pagbababa ng mga materyales mula sa truck.
  • Paano tayo magiging handa sa pagtulong sa iba?

SUBUKAN ITO

Sa inyong family worship, repasuhin ang Gumising! Blg. 1 2022. Pag-usapan ang iba pang paraang puwedeng gawin para makapaghanda sa sakuna.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share