PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Unawain ang Binabasa Mo
Kapag nagbabasa ng Bibliya, sikaping maunawaan ang lahat ng binabasa mo. Alamin ang konteksto, mga tauhan, at dahilan kung bakit sila gumawi ng ganoon. Gamitin ang iyong imahinasyon para makita ang mga tanawin, marinig ang mga ingay, maamoy ang mga halimuyak, at makuha ang damdamin ng mga tauhan.
PANOORIN ANG VIDEO NA PAHUSAYIN ANG IYONG PAGBABASA NG BIBLIYA—EXCERPT. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang mga dahilan ng tensiyon sa pagitan ni Jose at ng kaniyang mga kapatid?
Ano ang posibleng dahilan kung bakit kumilos nang padalos-dalos ang mga kapatid ni Jose?
Ano ang mauunawaan natin mula sa Bibliya tungkol kay Jacob na ama ni Jose?
Anong magagandang aral ang itinuro ni Jacob sa mga anak niya para ayusin ang di-pagkakaunawaan?
Paano ka nakinabang sa panonood mo ng video na ito?